Gaano nga ba kasakit kapag sinabi ng isang tao sa 'yo kung hanggang kailan ka nalang tatagal sa mundong ginagalawan mo? Gaano ba kahirap tanggapin na sa araw na dumating ang kinakatakutan mong mangyari ay wala kang magagawa kun 'di tignan ang bawat mga matang naka-tingin sa 'yo, na may bahid ng ngiti sa kanilang mga labi ngunit kalungkutan naman ang nakabakas sa kanilang mga tingin? Alam niyo ba 'yung pakiramdam na iisipin niyo ang hinaharap, hindi 'yung dibdib ah, kun 'di 'yung future; 'Yung future mo kasama ng... ng taong mahal mo. 'Yung feeling na isang araw, may darating sa buhay mo para patunayan na siya ang karapatdapat mong makasama sa habang bu--- oo nga pala, hindi nga pala habang-buhay. Dahil lahat ay may hangganan, lahat may katapusan. Ikaw? Naisip mo na ba sa kung anong magiging katapusan nang buhay mo? -------------------- ©Copy Right 2017 by @Yhanna_Princess All Rights Reserved