(Completed) Kung maibabalik ang kahit na sinong mahal mo sa buhay, sino ang ibabalik mo at bakit? Kung mabibili mo ang kahit na anong gusto mo sa isang pitik lang ng mga daliri mo, ano o anu-ano ang mga ito at bakit? Kung may lugar kang balak puntahan ngayon din, bakit doon? Kung may kakayahan ka na pinapangarap mong mapasaiyo ngayon din, ano ito at bakit? Pero papaano kung ang lahat ng nabanggit ay meron ka, ngunit sa isang kundisyon. Kailangan mong isuko at ibigay ang kaluluwa mo. Ibibigay mo ba? Bakit?