The Balcony Series 1: His Unwanted One Tatlong taon ng kasal si Sean Anthony Derrada at Alys Romano-Derrada. Ngunit para kay Sean ay hanggang sa papel lang ang bisa ng kasal nila, taliwas sa paniniwala ni Alys, na siyang matagal ng may lihim na pagtingin kay Sean. Their marriage was just a one-sided love. Bunga lamang iyon ng kasunduan ng mga magulang nila para mapalago ang family business. For three years, Sean avoided Alys as much as he could. Madalas siyang hindi umuuwi sa bahay nilang mag-asawa. He would rather spend his night at some high end clubs or his office. Ayaw niyang makita ang pagmumukha ng babaeng sumira ng buhay niya. That's how Sean loathed his wife. But because of quarantine, Sean and Alys needed to stay together at their house. Kahit ayaw niyang makasama ang asawa ay wala naman siyang magagawa kundi ang manatili sa bahay nila. Ang tanging magagawa niya lang ay ang ipagtabuyan ito kapag pinagsisilbihan siya ng asawa. Hindi niya hahayaang mahulog ang loob niya sa isang babaeng tumangay ng kalayaan niya. Not now, not even in this quarantine. Never. How long would Alys endure being Sean's unwanted one?