Kasabay ng bawat araw na lumilipas ay ang paglobo ng tiyan ni Angela. Kailangang makasal siya bago iyon mahalata ng kanyang parents at bago siya mapatay ng kanyang daddy. Subalit kanino siya magpapakasal? Kay Kevin ba na isang matalino, mayaman, at guwapong engineer, na siyang ama ng batang nasa kanyang sinapupunan? O kay Jun-Jun, isang inosenteng technician pero tunay niyang minamahal?