Si Magdalena ay lumaki sa isang mahirap na pamilya. Isang kahid, isang tuka. Mas mahirap pa sa salitang mahirap ang naging buhay niya. Gutom, sakit, pang-aapi, bugbog, kadiliman at lahat pa ng salitang maaaring ihalintulad sa salitang MAHIRAP ay naranasan na ni Magdalena. Ngunit sa kabila ng kahirapan at pasakit sa buhay ay pinilit niyang makapag-aral nang sa ganun ay makatakas na siya sa rehas na bakal ng kahirapan. Pero, sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil sa kabila ng pagsisikap niya ay nasadlak parin siya sa putikan. Hindi na siya makatakas. Hanggang sa dumating ang isang lalaki sa buhay niya. Ang lalaking handang mahalin, tanggapin at palayain siya mula sa kadiliman na kinatatayuan niya. Subalit, hindi alam ni Magda kung tama bang mahalin ito o mas tamang lumayo na lang siya dahil sa kahihiyan ng nakaraan niya? Shiekissesyou_ |2016