Kabanata 3

0 0 0
                                    

KABANATA 3

ISang taon na ang nakalilipas buhat ng umalis si Magdalena sa bayan ng iloilo. Nasa ikaapat na baitang sa mataas na paaralan na sana siya nung tumigil siya sa pag-aaral. Bakasyon nung nangyari ang malupit na sinapit niya sa kamay ng sariling ama. Hindi na niya nagawang tumuloy pa sa fourth year high school dahil sa nangyari.

Nanatiling nakatitig sa kanya ang binatang si Andrei; naghihintay sa isasagot niya. Huminga ng malalim ang dalaga at "Ahm..kasi ang hirap ng buhay sa probinsya. Alam mo na. Kaya eto, pinasya kong lumuwas para magtrabaho" wika niya. Sa parteng iyon ay alam niya sa sariling nagsisinungaling siya.

'Ni hindi kumurap ang lalaki sa sinagot niya. Nanatili itong nakatingin sa kanya at naghihintay ng susunod na sasabihin, ngunit hindi na muling binuka ng dalaga ang bibig. "Kung ganun, hindi pala totoo ang usap usapan" sabi nito.

Napataas ang magkabilaang kilay ng dalaga. "Anong ibig mong sabihin? Anong usapan?" tanong nito.

Nanatiling walang imik ang lalaki. Matiim lang siya nitong tinitigan. Ngunit ng makita niya sa mga mata ni Magda na nais nito ng kalinawan sa litanya niya kanina ay marahan siyang napaubo. "Ah..kasi ano" pautal-utal niyang wika. Nagsalubong naman ang kilay ng kaharap. "Usap usapan kasi na nakipagtanan ka daw, Magda" dugtong niya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Magda sa narinig mula kay Andrei. Hindi niya kasi sukat akalain na may ganoon pa lang usapan tungkol sa kanya. "Sino naman ang nagpakalat non?" pagtataka niya.

Pero mas nabigla siya nang sabihin ni Andrei na si Ikang; ang matalik niyang kaibigan, ang nagpakalat ng ganoong balita sa mga kamag-aral. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala sa kaharap. Pakiramdam kasi niya ay parang imposible ang sinasabi nito. Ngunit, 'di niya maiwasan ang sarili na malungkot at masaktan.

Ngumiti siya ng mapait. "Hindi totoo yun. Wala nga akong nobyo e" paglinaw niya. Hindi niya alam kung bakit dapat pa niyang magpaliwanag kay Andrei, kung hindi naman ito maniniwala sa kanya.

Ngunit, ngumiti ang lalaki at sinabing "Alam ko". Muli itong ngumiti sa kanya. Nakaramdam siya ng pag-iinit muli ng pisngi sa ikalawang pagkakataon. Lumihis siya ng tingin. "Oo nga pala, ano palang trabaho mo?" tanong nito.

Isang tanong na hiniling ni Magdalena na hindi na sana naitanong pa.

Napalunok siya at napakurap. "Tindera ako ng mga kung anu-ano" pagsisinungaling niya sa ikalawang pagkakataon.

Napatango ang lalaki. "Sino naman ang tinutuluyan mo dito sa Maynila?" muling tanong nito.

"Nag-uupa ako" matipid na sagot niya.

Ngumisi ang lalaki sa sagot niya. " Hindi ka parin nagbabago Magda. Suplada ka parin"

Napaawang naman ang bibig niya sa winika ng lalaki. Gusto sana niyang mainis sa sinabi nito, ngunit napigil niya ang sarili sa nakitang ngiti sa mga mata ng kaharap.

"Simula kasi nung maging magkaklase tayo, e hindi mo 'ko pinapansin. Ang suplada mo. Kahit anong pagpapapansin ko sayo, walang epekto sayo" mahabang litanya nito.

"Andrei, hindi ko alam na-"

"Hindi mo alam na gusto kita?"pagputol nito sa sinasabi niya. "Sabagay, bakit mo nga naman ako papansinin nun e ako ang pinaka magulo sa klase. Habang ikaw yung pinakamatalino. Pero kahit ganun, 'di ko napigilan na magkagusto sayo." pagtatapat nito.

Hindi alam ni Magda ang isasagot sa naririnig na pagtatapat ni Andrei sa kanya. Sa buong buhay niya kasi, ngayon lang may nagtapat sa kanyang lalaki na gusto siya nito. At ang kaninang pag-iinit ng pisngi ay umabot na hanggang sa tenga niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Will Lead You BackWhere stories live. Discover now