Kabanata 2

0 0 0
                                    

KABANATA 2

GAbi na naman. Para sa marami ay ito ang sandaling pinakaaasam nila dahil oras ito para magpahinga. Ngunit, sa kaso ni Magdalena ay iba. Dahil ito ang oras para lumabas siya sa lungga niya upang maghanap buhay. Ito ang oras na pwede niyang gawin ang pagkakakitaan niya.

"Ano ba 'to beh..kanina pa tayo dito pero ang tumal..pansin mo?" reklamo ni Mimi.

Halos magkasing edad lamang silang dalawa. Kagaya niya ay galing din ito sa malayong probinsya. Kaya naman ito ang naging kasama niya mula ng pasukin niya ang ganitong klase ng hanap buhay. Wala siyang ibang naging kaibigan sa Maynila bukod kay Mimi, natatakot kasi siya na baka kutyain lang siya ng ibang tao kapag nalaman ang ginagawa niya.

"Kaya nga e" singhal niya.

Halos isang oras na kasi silang nakatayo sa madilim na sulok ng kalsada, pero wala parin lumalapit na customer sa kanila. Hindi naman ito pangkaraniwan dahil madalas ay minuto pa lang silang nakatayo ay nakakakuha sila agad ng customer; ngunit ngayon ay iba. Biglang kinutuban si Magda na parang may kakaibang magaganap ngayong gabi; di niya iyon nagugustuhan. Kaya naman minabuti niyang suriin ang paligid. Tinapunan niya ng tingin ang kabuuan ng kalsada, hanggang sa mahagip ng mata niya ang ilang babae na nagtatakbuhan patungo sa direksyon nila ng kaibigan. Kagaya din nila ang mga babaeng iyon; nagbebenta ng katawan. Nang matiyak ni Magda kung ano ang kinakatakot ng mga babaeng nagtatakbuhan ay kumaripas na rin sila ng takbo ni Mimi. Mga parak. Hinahabol sila ng mga parak na nakasakay sa kanilang mobil.

Hindi na alam ni Magda kung saang direksyon nagtungo ang kaibigan, dahil nagkanya-kanya na sila ng landas. Mahirap kasi kung magsasama sila ay mas mahahalata sila at t'yak na mahuhuli sila ng pulis. Tumakbo ng tumakbo si Magdalena hanggang marating niya ang maliwang na parte ng kalsada. Huminto siya sa pagtakbo nang masigurado niyang malayo na siya sa mga parak. Hingal na hingal siya.

"Aray!" bulyaw niya ng mabangga siya ng kung sino.

"Naku Miss pasen-- Magda?" bakas ang pagkabigla sa boses ng lalaki nang tawagin nito ang pangalan niya. Nagtataka niya itong tinignan. Mismo siya ay nabigla rin nung banggitin ng estrangherong lalaki ang ngalan niya. "Magdalena Reyes? Ikaw ba talaga 'yan?" dagdag pa nito.

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga sa tinuturan ng lalaki. Tinapunan niya ito ng tingin at pilit na inaalala kung sino ito at bakit siya kilala. Napawi naman agad ang pagtataka ng marinig niya ang hiyaw ng sirena na nanggagaling sa sasakyan ng mga parak. Dali-dali siyang yumakap sa lalaking nasa harapan at nagkubli sa dibdib nito. Kung titignan ay para silang magkasintahan na naglalambingan sa gilid ng kalsada. Ngunit, ginawa lang iyon ng dalaga upang itago ang sarili mula sa parak. Sinundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan ng pulis, hanggang sa hindi na ito mahagip ng mga mata. Agad naman niyang kinalas ang pagyakap sa lalaki nang matiyak na wala na ang humahabol sa kanya.

Napatingin siya sa lalaki na nakatitig rin pala sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa ginawa niyang pagyakap kanina. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng pisngi. Gusto sana niyang humingi ng pasensya sa kaharap ngunit 'di niya mahanap ang tamang salita kaya nanatili siyang tahimik.

Pakunwaring umubo ang lalaki. "Ah..hinahabol ka ba ng pulis?" tanong nito.

Hindi niya alam ang isasagot sa katanungang iyon. Nataranta siya at bumilis ang tibok ng puso. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Naging dalawa, tatlo at sa wakas "H-hindi noh. Ahm kasi may phobia lang ako sa pulis..alam mo na" pagdadahilan niya.

Tila naman naniwala ang lalaki sa kanya. Tumango tango lang ito. Hanggang sa magtama ang mga mata nila. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam ng kakaiba si Magda, ngunit ayaw niya iyong pansinin. Matapos ang tila pang habambuhay na titigan ay natawa sila. Nagtawanan sila sa 'di malinaw na dahilan. Para silang mga baliw na basta na lang humalakhak. Nang mapansin nila ang kahibangan ay tumahimik sila at nag-iwasan ng tingin.

"Coffee?" pagputol ng lalaki sa katahimikan.

Napalingon siya sa lalaki at sandaling minasdan ito, nakangiti ito. Nagtataka siya sa kung ano ba ang nais tukuyin ng lalaki kaya naman nang mapalingon siya sa gilid nila ay nakita niya ang isang mini store. Binaling niyang muli ang tingin sa lalaki at matipid na ngiti ang sinagot niya. Lumakad silang dalawa papasok ng mini store. Maginoo naman siyang pinagbuksan ng glass door ng lalaki. Nang makapasok sa loob ay sinabi niya sa lalaki na ito na ang bahala sa bibilhin nung tanungin siya ng gusto niya. Nagtungo ang lalaki sa mga racks habang siya naman ay nagtungo sa bakanteng upuan at pinag reserba ang kasama.

Sino ba siya? Saan ba kami nagkakilala? Isa din ba siya sa naging customer ko? Pero hindi ko sinasabi ang buong pangalan ko sa mga parokyano ko..bakit siya alam niya? Tanong ng dalaga sa sarili habang marahan na sinusulyapan ang lalaki na ngayon ay nasa harap ng kahera.

Nang mapansin niyang tapos na magbayad ang lalaki ay muli niyang binalik ang tingin sa salamin na pader sa harapan. Nagkunwari siyang hindi napansin ang paglapit ng lalaki sa kanya. Inilapag ng lalaki ang isang papel na baso na may lamang kape at siopao sa harap niya. Saglit niya iyong tinitigan at bumaling sa lalaking nakaupo na sa tabi niya at umiinom ng kape. "Salamat" matipid na sabi ni Magda.

Matamis na ngiti ang isinagot ng lalaki sa kanya. "Teka, kumakain ka ba ng siopao? Baka kasi hindi..papalitan ko na lang" nahihiyang tanong ng lalaki.

Gusto naman matawa ni Magda sa tanong na iyon. Siopao pala tawag dito? bulong niya sa sarili. Hindi niya magawang sabihin sa lalaki na hindi niya alam na siopao pala ang tawag sa puting tinapay na nasa harapan niya. Ayaw kasi niyang isipin nito na ignorante siya. Dahil sa totoo lang ay hindi niya alam ang ganitong klase ng pagkain dahil kahit matagal na siya sa Maynila ay hindi pa niya nagagawang makatikim ng ganitong pagkain. Tumango na lang siya sa katabi at tsaka kumagat sa siopao. Dahan-dahan niya iyong nginuya at ninamnam pero sinigurado niyang hindi siya mahahalata ng katabi na nasasarapan siya.

Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Walang nakuhang magsalita. Puro paglagok sa kape at pagnguya ng siopao ang maririnig mula sa dalawa. Nagpapakiramdaman sila sa isa't isa.

Inilapag ng lalake ang papel na baso na ngayon ay ubos na ang laman sa mesa. Tinignan niya ang repleksyon ng katabi sa salamin na pader. At napangiti ito nang makita niya ang pag-subo nito sa natitirang siopao. Ngunit, nahuli siya ng babae. Umiwas siya ng tingin at napahawak sa sintido. Nakaramdam kasi siya ng kakaiba.

"Pa'no mo pala nalaman ang pangalan ko?" tanong ni Magda.

Napalingon muli ang binata sa salamin at doon ay nagtama ang mata nila ng dalaga. "Hindi mo ba talaga ako natatandaan Magda?" balik-tanong niya. Umiling naman si Magda, senyales na hindi niya nga ito matandaan. "Classmate tayo mula first year hanggang third year. Diba top one ka pa nga lagi" saad nito.

Napaawang ang bibig ng babae. Mula sa salamin ay kinilatis niyang muli ang mukha ng lalaki. Nanlaki naman ang mga mata niya nang sa wakas ay natandaan na niya kung sino ang lalaki sa tabi niya. "Andrei Manalo?!" gulat na wika niya.

Napapangiti naman ang lalaki at patango tango ng sa wakas ay nakilala na rin siya ng babaeng katabi. Umiwas ng tingin ang babae sa may salamin at sa halip ay bumaling ito sa gilid niya; sa kanya. Nilingon niya rin ang babae na nagtatakang nakatitig sa kanya. Pakiwari niya ay nabigla ito sa kanya.

"Hala! Ikaw ba talaga 'yan Andrei? Yung palaging kulelat at magulo sa klase?"

Halos mahulog naman siya sa upuan sa narinig niyang sinabi ni Magda. "Oo ako nga" natatawang sabi niya "Pero hindi na 'ko ganun ha..nagbago na 'ko. Nag-aaral na 'ko ng maayos" dugtong pa niya.

Tinitigan naman ito ni Magda mula ulo hanggang paa. Oo nga, mukhang nag-aaral siya. Nakasuot kasi ito ng asul na polo at itim na slacks at balat na sapatos. Hindi niya iyon napansin kanina pero ngayon ay sigurado na siyang estudyante nga ito ng isang sikat na unibersidad sa Maynila dahil nakakakita siya ng mga ganitong kasuotan noong nasa kalsada pa lang siya naninirahan. Nakaramdam siya ng inggit. Napangiwi na lang siya.

"Nag-aaral na ako dito sa Manila sa kursong Educ., gusto kasi ng itay na dito ako makapagtapos ng kolehiyo" pag-anunsyo ni Andrei. "Teka, ikaw bakit ka nandito sa Maynila? Tska bakit bigla kang nawala nung fourth year high school?" sunod sunod na tanong nito.

Hindi alam ni Magda kung paano sasagutin ang lalaki. Hindi maproseso ng utak niya ang tamang salitang dapat niyang bigkasin. Hindi niya rin gusto na malaman nito ang dahilan kung bakit siya nandito sa Maynila. At mas lalong hindi niya gusto na malaman nito kung anong ginagawa niya dito sa Maynila.




Shiekissesyou_ |2016

Love Will Lead You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon