May mga kwentong di natin inaakalang maging totoo pero maaring maging kwento pala ito ng ibang naka experience na ng pag-ibig na kakaiba. Tapat. Tunay. Infinite. Ngunit ika nga, bawat kwento ay may panimula, may chapters. May climax. At may ending. Ano man ang ending ng kwentong pag-ibig, may natututunan tayo. Mga matututunang hanggang sa kamatayan ay pwede nating dalhin. Ang bawy kwentong nakapaloob dito ay maaaring kathang isip lamang. Ngunit, bilog ang mundo. Malaki ang mundo. May ibang parte ng mundo na hindi natin nakikita, nararamdaman at nababalitaan. Ang mundo ay isang aklat ng mga kwentong maaaring hindi sa'yo ngunit ang mga kwentong ito ay mapaghuhugutan mo ng aral. *** All Rights Reserved Copyright 2016 © #BabalikangMuli By: HaydenAgenda
7 parts