Don't Let It End (1)

151 0 0
                                    


Sa di ko mawari na isipin, tila hindi umuusad ang buhay ko. May kung anong bumabalakid sa bawat araw na dumadaan sa buhay ko. I feel like I am stuck in a place, a scenario, a play that's keeping me from moving on.

Akala ko everything is normal. Akala ko everything happens as it is. Pero parang may isang parte ng utak ko that's trying to tell me to move on!

Actually, I can't feel my brain working. Physically I am but not my memory. Feels like I am still in a deep slumber. I am in a dream. Seeing myself in my dream. Doing the same exact thing each day. It all started one day when I woke up with an empty stomach.

***Day 1.

Ang bango ng pagkain sa baba ng hotel. Inviting sana pero ayoko ng heavy meal. Gusto kong magkape lang at toasted bread or French toast.

"And your name for the cup, Sir?" Tila nag slow motion ang lahat sa paligid ko habang nakatitig ako sa kaharap kong barista. I can see that he is talking to me with his mouth in slow motion. Nabibingi ako. Di ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Sir?" Pukaw niya ulit sa akin. At isang beses pa ay ibinalik ako sa tamang ulirat.

"Uhmmm. So-sorry?" Pagkaklaro ko sabay naramdaman ko ang pag ragasa ng init sa mukha ko. Siguro pinamulahan ako.

"Your name Sir? For the cup?" Nakangiting tanong ulit ng baristang gwapo.

"H-har-viel!" Nauutal kong sagot at napakamot pa ako sa batok ko sa pagkapahiya. Nginitian lang ako ng baristang Choi ang nakita kong pangalan sa name plate niya sa may dibdib.

Ilang minuto lang akong naghihintay sa inorder ko at nakaupo sa pinakagilid na parte ng cafe.

"Here is your order Sir Harvie. Enjoy your coffee." Bago pa man nakaalis si Choi ay naagapan ko kaagad ang mga kamay niya. It brought electric current down to my spine upon touching his hands. Tila ba may kung anong dumadaloy sa mga nerves namin. Nagsasabing may kung anong connection kami.

"Yes Sir? Anything that you need?" Nakangiti pa ding tanong ni Choi.

Agad pinakawalan ko ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya. Binalot na naman ako ng kahihiyan dahil sa init na nararamdaman ko sa aking mukha. Napayuko na lang ako at napangiti ng bahagya ngunit di ko maidiretso ang tingin ko sa kanya.

"Uhmmm. Extra sugar please." Ang nasabi ko.

Umalis siya sa harapan ko pagkatapos magsabi ng "Coming right up!" Tinitingnan ko ang papakayong si Choi.

Matagal ko ng gusto si Choi kaya pinipili kong dito sa cafe nila nagbe-breakfast. Matagal ng may lihim akong gusto sa kanya. Pero tila nakakahiya namang umamin sa kanya. Pihadong straight guy si Choi. Ako, kahit straight looking, guys ang gusto ko. At first time kong magkagusto sa isang lalaki.

Kay Choi.

Kaya natatakot ako.

Little did I know na that same day ay magkaka-chance pala akong masabi ko kay Choi ang lahat. Unexpectedly!

"Sir Harvie, here is your extra sugar. Anything else Sir?" Guwapong guwapo talag si Choi lalo na pag naka smile. Siguro nasa 23-25 years old na siya. Kasing edad ko din.

"Your number perhaps?" And I smiled. It was just a joke na tinawanan niya din but I was surprised when he wrote something in a tissue paper and handed it to me. It's his mobile number kaya agad napatingin ako sa kanya after I read what was written. He winked at me and it melted my heart.

Bago gumabi ay nakapag-ayos na ako for a dinner. I texted Choi and invited him for a dinner na um-oo naman siya.

Akala ko di na darating ang time na 'to. Na maka-date, if you would call this a date, si Choi. Sa tagal ba naman ng panahon na nanatili siyang laman ng isipan ko, na nagugustuhan ko siya, sikretong minamahal, hindi ko inakalang makakasama ko siya ngayon.

Babalikang Muli: BxB Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon