Sa tatlong taon na relasyon ay may ilang beses nang niloko si Katrina ng boyfriend niyang si Max. Sa limang taong relasyon ay hindi pa naranasan ni Nash na ipagmalaki siya ng girlfriend na si Ara. Hanggang sa aksidenteng magtagpo ang landas ng dalawang taong nangungulila sa totoong ibig sabihin ng pagmamahal. Mabilis na naging malapit sa isa't-isa sina Katrina at Nash lalo na at nasa parehong klase sila sa kolehiyo. Hanggang sa magkaroon sila ng kasunduan na tutulungan ang isa't-isa na hanapin ang mga sarili. Magtutulungan sila na iparamdam kayna Max at Ara na malaki silang kawalan. Kaya gumawa sila ng paraan upang pagselosin ang mga ito. Tila madaling umayon sa kanila ang pagkakataon dahil muling nakipagbalikan si Max kay Katrina at si Ara naman ay nagawa nang ipakilala sa mga magulang at kaibigan si Nash bilang nobyo nito. At kung kailan nagsisimula nang umayos ang kani-kanilang mga relasyon ay saka naman sila magsisimulang maguluhan sa nararamdaman nila para sa isa't-isa. Straight na babae si Katrina at mula sa isang konserbatibong pamilya. Sigurado na siyang tuluyan nang nahulog ang loob niya kay Nash, ngunit ang hindi niya sigurado ay kung kaya niya itong panindigan sa mga magulang. Samantalang si Nash ay mahihirapang mamili sa dalawang babaeng may malalim nang parte sa buhay niya. Kay Ara na sa wakas ay nagawa na siyang panindigan o sa mahal niyang si Katrina na walang kasiguraduhan kung kaya siyang ipaglaban?