May mga bagay na hindi mo mapaliwanag. Lalo na ang maiparamdam. Gustuhin mo man. Ngunit parang may lumalaban. May mga bagay na madaling simulan. Mahirap tapusin. Yan ang mga bagay na nakakainis lalo na kapag unang beses mo pa lang nasubukan. Si Christine Montenora yung tipo ng babaeng di titigilan ang isang bagay lalo na kapag alam niyang may kinalaman sakaniya ito. Di siya sanay na may mga lihim na nakatago. Pano na pala kung ang mga lihim na ito ay ikakapahamak niya? Susugal ba siya kahit alam niyang masasaktan siya?