Wakas

103 8 16
                                    


Kaya ako


Pumara ako ng taxi nang makalabas ako ng subdivision. Inaalok man ako ni Tita Marianne na hatid-sundo ang gawin sakin ay tumanggi ako. Nakakahiya naman lalo na at si Tita ang nagbigay sakin ng trabaho. At may sweldo naman ako ditto kaya nakakahiya talaga.

"Andito na po ako." Sigaw ko pagpasok ng bahay. Dumiretso akong kusina at mostly nandito si Tita Vanessa.


"Oh andyan ka na pala." Sabi ni Tita na kasunod ko lang na papasok sa kusina. Humalik ako sa pisngi niya at dumiretso sa ref.


"Kumusta trabaho?" kumuha ako ng baso at nagsalin ng juice. "Okay naman po. Di naman masyadong nakakapagod." Ngiti ko.

"Mabuti naman." Sabi niya habang naghahalo ng ulam. "San ka nga nagtra-trabaho, iha? Nagtatanong kasi ang Tito Arthur mo. Well, you know him. He must be concerned kung kanino ka nagtratrabaho." Yes. Mabait talaga ang Daddy ni Starly at Gray. He's a public servant. Governor, specifically. Kaya di na ko magtataka na pati yan dapat alam niya.


"Sa Northern Top po. One of the houses there. Sevilleja." Banggit ko sa surname ni Tita. Para malaman naman din ni Tita kung saan at kung sino ang kumuha sakin.

"Oh! You mean the Sevillejas? If I'm not mistaken, Marianne? Marianne Sevilleja?" nagulat ako dahil kilala ni Tita si Tita Marianne.


"Yes, Tita." Sabi ko habang umuupo sa isa sa mga high stall at nakikinig sa kwento niya.


"Batchmates in College." Paliwanag ni Tita. "We're still seeing each other on some events. Pero madalang but we're friends. Buti naman sakaniya ka nagtratrabaho. Mabait 'yon. Sayang lang." nabitin ako sa kwento ni Tita nang magring ang phone ko.

Nakita ko ang pangalan ng tumatawag. "Wait lang po Tita." I slide the screen of my phone and answered.

"Yes, Tita?" bungad ko. Pero di ko pa man nadudugtungan ay humihikbing Tita Marianne ang sumagot.




"Tita? W-what happened?"


"C-Christine." And the call ended. Napalunok ako. Parang may bara sa lalamunan ko at nanginginig akong pumunta kay Tita Vanessa.

"T-Tita? I need to go."










Nakarating ako sa mansion ng mag-a-las otso na ng gabi. Bumungad sakin ang mga katulong. Ipinaliwanag naman nila na na-stress lang si Tita kaya ganun at maari ko na siyang puntahan sa kwarto niya sa taas.


Basa pa ako dahil sa lakas ng ulan sa labas. Inabutan ako ng tuwalya at pinagbihis muna sa isa sa mga guest room.


Umakyat ako sa second floor ng bahay at kita ko na agad na nasa labas ng kwarto ni Tita si Trey. Lumingon siya sakin at kita ko ang lungkot sa mukha niya.


Lumapit ako. "Bakit di ka pumasok?" sabi ko at aakmang bubuksan ang pinto ng magsalita siya.


"Wala rin namang magbabago." Sabi niya. Nakakapagtaka talaga 'tong si Trey. Mag-sorry lang siya panigurado magkakabati na sila.


"Mag-" di ko na natapos ng bigla niya kong hilahin.


Mabilis ang mga lakad naming na parang may hinahabol. Hindi ko alam kung saan parte 'to ng mansion. "Teka. S-san tayo-"


Nagulat ako ng bigla niya kong isandal sa pader o pader nga bang maituturing ngunit alam kong matigas na bagay ang nasa likudan ko. Nakahawak ang dalawa niyang kamay sa balikat ko habang nakayuko.

"T-trey?" takang tanong ko. Kinakabahan ako sa mga kilos niya. Hindi ko siya maintindihan.


Inangat ko ang kamay ko para tanggalin ang hawak niya ng magsalita siya. "Wag."


Nahinto ako nang tumitig siya at bigla ang pagsakop niya ng kaniyang mga kamay sa aking mukha. Napatingala ako sa kaniya. Kumidlat kaya nagkaroon ng liwanag.


Umiiyak si Tre.


Natulala ako kaya hindi ko agad naagapan ang sumunod niyang mga naging kilos.Hinapit niya ko para lang mas dumiin siya sakin.


Nagulat ako nang dumampi ang labi niya. Ramdam ko. Parang may kulang. Pero kumakabog ang puso ko.


"Christine."

Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. Kaya nahihirapan ako. Binanggit niya ang pangala ko pero hindi ko pinagtunan ng pansin iyon. Kusang napahawak ang kamay ko sa pisngi niya na basa ng luha.


Bumaba ang mga kamay ko hanggang naabot nito ang kaniyang leeg. Hinawakan ko ang collar ng polo shirt niya nang lumalim ang halik. Halos hindi na ko makahinga dahil tuwing ilalayo ko ang sarili ko ay hindi niya hinahayaan.


Humihingal ako ng inalis niya ang kanang kamay niya sa bewang ko at may binuksan sa gilid ko. Tumunog yun at alam kong pintuan yun.

Lumayo siya at tumingin sa gilid ko. Tumingin din ako.


"Pumasok ka." Minuwestra niya yun kaya pumasok ako. Binuksan niya ang ilaw.


Hindi pa naka-adjust ang mga mata ko. Pumikit piki ako. May sariling kilos na naglibot ang mga ito. Isang mahabang estante ng mga litrato ang nakita ko.


Sanggol na bata ang unang picture frame. Umiiyak ito habang kalong-along ng isang babaeng umiiyak din. Nasa hospital sila at nakilala kong si Tita Marianne iyon.


Batang lalaki ang sumunod.

Nanlalaki ang mga mata nito at nakatingin sa isang nakabestidang batang babae habang pilit inaabot ang isang lollipop. Nakatalikod ang batang hirap na hirap umabot sa bagay na iyon.


Nakagat ko ang labi ko nang sundan ang mga sumunod na larawan.

May sariling kwento ang mga ito. Nangunot ang noo ko nang makitang ang isang larawan. Nakatingin ang batang lalake sa kanilang bahay at may dala-dala siyang backpack. Aalis siya? Pano yung batang babae?


Unti-unting namuo ang mga luha ko at tumulo ito nang makita ang pangatlong larawan sa dulo. Isang lalakeng nakatingin sa isang table sa school campus.

Pinagmamasdan ang isang babaeng nag-d-drawing sa kaniyang blueprint. Hinahangin ang kaniyang mga buhok at halatang hirap na hirap ito dahil hinahangin din ang kaniyang blueprint.


Marahas kong pinusan ang luha ko nang makita ang pangalawa sa dulong larawan. Larawan ng isang lalakeng nasa podium na nagsasalita at nakatingin sa isang babaeng nakikipagngitian sa mga kakilala niya. Dahil masaya siya at graduate na siya.


Napahinto ako. Nahugot ko ang aking hininga. Parang pinako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko. Napahikbi ako at napasapo sa aking bibig.

"N-No! No-Hindi!" Iyak ko habang lumalapit sa isang larawan. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin dito.

Isang lalakeng nakahiga sa hospital bed.

Umiiyak ako dahil sa gulat. All this time hindi ko siya kilala. Hindi siya nagpakilala. Bakit? Lumingon ako sakaniya. Ngumiti lang siya. Tinuro niya ulit ang estante.

Isang urn.

Napaiyak na naman ako. Siya. Ako.

Bumuhos ang luha ko ng mapagtanto ko ang lahat. Ito ang sagot sa lahat. Kung bakit ganyan siya. Kung bakit-

Kaya di sila nakakapag-usap ni Tita.

Kaya umiiyak siya.

Kaya ako lang ang kinakausap niya.

Kaya ako ang pinapunta niya dito.

Kaya ako.















Wakas

°•○●○•°

Je Ne Sais Quoi [ShortStory]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon