Kabanata II

78 9 12
                                    

Tulong





LUMAPIT siya. Nasigurado ko nga na ako ang tinitignan niya nang ngumiti siya sakin. Nakaputi siya at may hawak na itim na payong. Maaliwalas ang mukha, na parang walang problema. Nakapamulsa at nakatitig sakin.





"Basang-basa ka na." sabi niya. Dun ko lang naramdaman ang basa kong damit at ang sobrang lamig na katawan.





Tinapat niya sakin ang payong saka ngumiti ulit. Ngumiti lang din ako. Kahit na nanginginig ang labi ko at nagsabi pa din ako ng... "S-salamat."





"Wala 'yon." Mabilis na tugon niya. Hinawakan niya ang braso ko at alam kong magsisimula na kami sa paglalakad.

"Saan ka ba nakatira?"

Kagat ko ang labi ko habang naginginig sa lamig. Tinitigan niya ako nang mapansin na matagak ang aking pagsagot. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang dumaus-dos sa mga braso ko at mas nilapit pa sakaniya.

"M-medyo malayo. I'll j-just take cab there." Tinuro ko ang waiting shed na malapit lapit na naming malapitan.

Ngunit hindi kami huminto doon.

"You'll get sick. I'll takr you home. It's just few blocks from here. Let's go."

Gusto kong umatras para matigil kami ay hindi ko na nagawa dahil mahigpit ang kapit niya. Ang init na dapat na maramdaman ko galing sakaniya ay hindi ko naramdaman.

Hindi na kami sumakay ng taxi dahil sa malapit na rin naman pala talaga ang bahay nila. Tama nga siya na malapit na pero ang mali siya ay ang bahay lang. Pumasok kami sa isang malaking gate. At alam kong hindi lang bahay ang nasa likod nun.

Mansyon.





"M-mansyon niyo 'to?" nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang siya pumasok sa pintuan. Bakit parang ang daming sasakyan sa labas? Mukhang may okasyon pa. Pero ang nakakapagtaka. Walang mga tao at puro mga ilaw lang.



"Umupo ka muna." Sabi niya at umalis muna. Baka may tatawagin? Hindi ko alam basta ang alam ko lang giniginaw ako dito.





"Oh my gosh, iha!" tili ng isang di pamilyar na boses sa likod ko. Napalingon ako at nakitang may isang di katandaang babae. Napatayo ako at papalapit siya sakin. Nanlalaki pa rin ang mata ko dahil sa pagkabigla. Maganda siya at mukhang sopistikada sa suot niya kulay itim na dress.





"Anong nangyari sayo, iha?" napalunok ako. Asan na ba yung lalaki? Siya ba ang tinawag niya na aasikaso sakin?





"Ahmm, sorry m-madam but napag-abutan lang po ako ng ulan and I need something to---"





"Yes, dear. Something to wear. Wait tatawag lang ako ng maid." Putol niya sakin at may tinawag siya.Lumabas naman kaagad ang mga maid inutusan niyang dalin ako sa isa sa mga guest rooms. Nahihiya man dahil di naman ako kakilala ng mga umaasikaso sakin ay sumunod na ko dahil sa masama na din ang pakiramdam ko.

Baka nasabi na rin ng lalaki kanina sa babae ito.

"If you need something, just ask them. Please come down for dinner." Ngiti niya sakin. Bakit parang ang bait niya? Hindi niya naman ako kakilala?



There is something about this house. Pagtapak ko pa lang ditto. Ramdam ko na ang kalungkutan na parang may kulang. I need to find out. I'm so damned curious. Na parang kinakain ako ng matinding kuryosidad para malaman ang tinatago ng lugar na to.





NALIGO ako at paglabas ko ay may nakahanda ng mga damit sa higaan. Baka nilagay ng mga maid. Sinuot ko ang isang floral dress na hanggang tuhod ko. Nagpapatuyo ako ng buhok nang may kumatok.





Binuksan ko at nakita si kuyang tumulong sakin. "Christine." Nagulat ako ng kilala niya ako.





"P-pano mo nalaman?" nagkibit-balikat lang siya at ngumiti. Siguro dahil sa mayaman siya kaya madaming connections.



"Dinner." Simple niyang tugon at tumalikod. Isinarado ko muna ang pinto at kinuha ang phone sa bag ko. Tinext ko si Tita Vanessa na wag ng mag-alala dahil sa kaibigan ko muna ako tumuloy.



Bumaba ako at dumiretso sa dinner hall nila. Kahit di ako sigurado. Tumuloy pa rin ako base na rin siguro sa pinag-aralan ko na laging dito ang magandang pwesto ng mga dinner hall. Hindi kadalasang nalalayo ang dinner hall sa sala ng bahay. Based on Filipino Houses.



"Iha." Ngiti ng babae sakin. Ngumiti lang din ako. Di ko manlang siya kilala. Nakakahiya talaga. Pinatuloy niya ko kahit di niya pa ko nakikita. "Sit down, please."



"Thank you po." Napalingon ako sa dulo ng table at nandun si Kuya. Bakit kailangan nasa dulo siya?





"By the way, dear. I'm Marianne. Call me, Tita Marianne." Nag-abot ako ng kamay at hinawi niya. Nagulat ako pero mas nagulat ako ng bumeso siya sa aking pisngi.



"That's too formal." ngiti niya."What's your name, iha?"



"Christine po." Nagtataka ako. Ang akala ko alam na nila. Lumingon ako sa kaniya at nakitang tahimik lang siya dun sa kinauupuan niyang malayo samin.



Lumingon din si Tita. "Bakit ka nga pala napunta dito iha?"



"Ah. Kasi po--" nahinto ako ng may tumawag sa cellphone ni Tita Marianne.



"If you'll excuse me, dear." Lumabas muna siya. Ginalaw ko na lang pagkain sa plato ko. Gusto ko mang lingunin ung lalake nasa dulo kaso parang nahihiya ako.



"Trey." bigla siyang nagsalita. Ano? Trey?



"Trey?" ulit ko.



"My name." Ah. May pangalan pala siya. Akala ko di na siya magpapakilala.



"Okay."

Sabay pasok ni Tita. Napatalon pa ako nga ako dahil sobrang naging iba ang itsura niya. Parang naging komportable siya? "So, what are we talking about, dear?" sabi niya kapag kaupo niya.



"Ahmm. Umulan po kasi habang naglalakad ako pauwi."nahihiyang sabi ko.



Tumitig lang siya "Malayo ba ang bahay niyo dito? Where did you go pala at naka-formal attire ka kanina?"



"Medyo malayo po. Interview po in a company."Nakayuko kong sabi.



Nagsimula na ko ng kunin ang atensyon niya ng makitang binaba niya ang kaniyang mga kubyertos. "What's your work? If you need anything, I think I can help you."



"No, Tita. Sobra na po---" nahinto ako ng tumayo si Trey sabay sabing "I'm done." Sinundan ko siya ng tingin pati na rin ni Tita. Kumunot ang noo ni Tita na tumingin sakin. May problema yata sila.



"Sorry po."



"It's okay, iha. So, anong course mo? Maybe I can help."



Nahihiya man. "Ahmm. I studied Architecture po."



"Is it true?!" biglang tili ni Tita na ikinagulat ko. Halos manlaki ang mata ko sa mga sumunod niyang sinabi. "I'm so happy. I think I found my architect."



"P-po?" nanlalaking matang sabi ko.



"I was planning to re-construct my house after my husband died. And it is my only wish. But hindi na siya natuloy because of my son. I'm so happy you're here. Will you help me?" So, kaya siguro di sila nagpapansinan ay dahil sa ayaw ni Trey na ipagawa ang mansion nila.



Well, it's Tita's only wish. So, tingin ko. I need to help her. Napatango na lang ako.







Je Ne Sais Quoi [ShortStory]Where stories live. Discover now