Minahal ni Hazel si Raphael. Bago pa ito yumaman. Bago pa ito sumikat. Bago pa ito pagkaguluhan. At dahil bata pa siya, naniniwala siya sa happily ever after. Siya si Cinderalla at si Raphael naman ang kanyang Prince Charming. Pero hanggang kailan siya maniniwala? Kung kahit anong gawin nya upang mapalapit dito ay lalo naman itong lumalayo?