Masayang masaya na si Alyssa dahil ikakasal na siya sa pinakamamahal niyang nobyo. Sa kanilang kasal ay imbitado lahat ng kanilang pinakamamahal na mga kaibigan. Ngunit may pumipilit na humadlang sa kanyang kasiyahan. Isang taong pinipilit na makuha siya, at hindi makapapayag na makasama ang taong mahal niya. Sa bawat paggalaw ni Alyssa ay nakamanman ito, binabantayan ang bawat pagkilos niya. Ang masaklap pa,ay ang taong ito ay sadyang brutal at handang pumatay upang makuha siya. Magawa kaya niyang tumakas? Kasama ang mahal niya, pati na rin ang kasiyahang hinahangad niya? WARNING FOR OPEN MINDED READERS ONLY.