Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang mag pakita ng motibo para mahalin ka niya. Yan ay isa sa mga kasabihan. Pano kung ang isang babae na mahal na mahal ang isang lalaki at yung lalaki naman nag pakita ng sweet side niya na akala ng babae Eh mahal siya nito dahil pinakita sa kanya ng lalaki ang sweet side nito hindi lang basta basta sweet side, Lagi itong sumasabay ng lunch sa kanya tapos lagi pang may mga nakakakilig na pick up lines. Eh sino ba naman ang hindi mahuhulog sa ganoong lalaki? Eh ang naiiba nga lang una palang nahulog na agad ang babae. Tapos yun pala hindi ka naman pala mahal ng lalaki, tapos yun pala ginamit ka lang para makalapit siya sa TUNAY NA MAHAL Niya at hindi ikaw yun kundi ang BESTFRIEND MO, na lagi mo ding kasama. Oh diba ang lupet! Kaya kung hindi mo ako mahal pwes wag kang mag pa kita ng motibo dahil PAASA KA!