Nagulo ang tahimik na buhay ni Aaron nang isang gabi ay nagkamali ng pinasukang pinto si Pio, ang lalakeng gabi-gabi ay naririnig niyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto. Sa halip kasi na sa apartment nito ito pumasok ay naligaw ito sa apartment niya. At sa puntong iyon ay tila nag-iba ang tingin ni Pio sa kaniya. Hanggang sa nangyari ang bagay na ngayon lang naranasan ni Aaron buong buhay niya. Isa lamang ba siya sa mga paiiyakin ni Pio sa kama? O higit pa rito ang tingin ni Pio sa kaniya?