Nagkukulay asul na langit, nagsasalubong na ulap at ang marahang paghawi ng magagaan na hangin.Ang madamdaming pagtanaw ng isang babae na walang ibang ginusto ay ang maabot lamang ang tinatanging ganda nitong dala. Babaeng matagal ng humahanga sa isang lalaki na kahit kailan ay hindi siya binigyan ng pagkakataong makilala.Ngunit sa malamig na hapon ay tila narinig ng hangin ang lubosan nitong hangad, ng hindi niya sinasadyang maihatid ang lalaki sa mismong bahay nito ng hindi niya namamalayan.Isa lang ang nasisigurado niya sa ngayon,iyon ay ang walang bagay ang makakapag pigil sakanya sa nararamdaman niya para kay heliedrew at kahit nobya nito ay hindi din siya mapipigilan.. Paano na ang palagi niyang pangaral sasarili na hindi kailanman ipagpipilitan ang sarili sa lalaki,kong unti-unti naman nag babago ang takbo at retmong nararamdaman niya para sa lalaki.Handa ba siyang isugal ang lahat-lahat, kahit pa ang kapalit nito ay siyang sisira sa matamis na ngiti na meron sa kanyang mahal sa buhay.