Kabanata6

0 0 0
                                    

Lakad takbo ang ginawa ko para lang mahabol ang lalaking kanina pa ako hindi pinapansin.

"Sandali"hingal kong tawag dito,habang hinahabol ko ang paghinga ko ay hinawakan kona siya upang matigil lang siya sa pag lalakad,laking pasalamat ko ng tumigil naman ito.

"What the fuck are you doing!"sigaw niya bigla,dahilan upang mabilis akong mapabitaw sa pagkakahawak sa kanya dahil sa takot.

"S-sorry,h-hindi ko sinasadya"mahinang saad ko at marahang dahan-dahang yumoko.

Magsisinungaling ako kong sasabihing kong hindi ako nasaktan sa sigaw niya.

Hindi ko siya masisisi kong nakukulitan na siya saakin dahil sa kakasunod ko sa kanya.

Hindi ko kita ang mukha nito dahil sa nakayuko ako pero isa lang ang nasisigurado ko,galit siya dahil sa presensya ko.

"G-gusto kolang kunin yong nuddle"para na akong maiiyak sa harapan niya dahil sa kagagagahan ko,bakit kopa kasi hinawakan ang damit niya at baka isipin niya na ngayon na feeling close ako masiyado sa kanya.

Nilakasan ko ang loob kong i-angat ang tingin sa kanya.

"H-hindi pa kasi ako kumakain simula kanina."Deritsahang paliwanag ko kahit hindi naman talaga kailangan.Biglang lumamlam ang mga mata niya nang marinig ang paliwanag ko.

"Why?"May halong inis sa tono niya.Kumonot ang noo ko sa tanong niya.

Nang mapagtanto niya ang kakaiba niyang tanong at tumikhim ito at umayos ng tayo,tumingala siya sa kawalan na parang may napakalaking problem ang haharapin.

Binalik niya maya-maya ang tingin saakin na ngayon ay seryosong awra na ang gamit.Ang bilis naman atang  makapag palit ng emosiyon nitong si heliedrew.

"I mean,why can't you just fucking wait!"May diin nitong saad.Napanganga ako dahil sa binitawan nitong salita.Ano daw?.

Hindi kona talaga siya maintindihan.Una akin naman talaga yong nuddle,tiyaka kanina kopa siya pilit inaabutan ng pera para sa nuddle ko pero ayaw padin niyang tanggapin.Tapos ayaw niya ngayong ibigay.

"Alam mo kong gusto mo naman pala iyang nuddle ko,sana sinabi mo at bumili nalang sana ako ng akin,hindi yong pinahabol mo pa ako!"hindi kona napigilan'g mapalakas ang boses ko.

Nakakainis na siya,sana man lang sinabi niya noon'g andun pakami sa seven eleven,tapos hindi niya pa sinabing gusto niya pala yong  cup nuddle ko.

Sigundo niya akong tinitigan na para bang mag pinoproseso ang mga pangyayari.Marahan niyang hinawakan ang kanyang sintido at hinilot ito na nag papakita nang pag-ka inis.Ayos din itong punchipilatong,siya ang may ganang mainis.

Pinaikot ko ko ang aking dalawang mata dahil sa irita.Hindi kona hinintay ang sasabihing niya ng tumalikod at nag martiya pa uwi.

Narinig ko pa itong tinawag ako ngunit hindi kona ito nilingon pa,ano ngayon lang niya naisipang ibigay, ngayong ubos na pasensiya ko.

Inis na inis na talaga ako sa kanya,bakit ba ganon siya,sa nakikita ko kapag may kausap siya o hindi kaya kapag may mausap siyang ibang babae ay nakikitaan ko ito ng  ngiti sa labi.Pero bakit pag dating saakin hirap ata siyang ibigay iyon o sadyang ayaw niya lang talaga saakin.

Shit nag mumukha na akong disperada dito.Hindi na ako ito,pano na ang paninindigan ko na hindi ko ipagppipilitan ang sarili ko sa taong wala namang gusto saakin.

Habang tinatahak ang daan patungo saamin ay pinag sisipa ko ang mga batong bawat nadadaanan ko,upang mabawasan nadin siguro ang inis.

Kunting kimbot nalang talaga ay e  u-uncrush kona siya kong sakali.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wind In The SkyWhere stories live. Discover now