kabanata3

0 0 0
                                    

Malalim na ang gabi at nakatunganga lang ako habang naka upo sa labas at tinatanaw ang langit,hirap akong makatulog dahil sa madaming iniisip dahil sa kaganapan ngayong araw.Dahan-dahang nawawala ang buwan dahil sa mga ulap na nag dugtong-dugtong dahil para matakpan ang enosinting buwan.

Maayos na kami ng aking kaibigan ng mag usap kami nito kaninang pag-ka uwi ko sa telepono,humingi ako ng tawad dahil sa panghihimasuk ko sa relasiyon nila,marahan kodin'g ipinaliwanag sa kaibigan ko,na nagtampo lang talaga ako dahil sa ayaw kong nakikita siyang nasasaktan dahil sa lalaki.Matalino ang kaibigan ko at naintindihan ako sa naging reaksiyon kong ipinakita.

Hindi ko napigilan'g ma ekwento sa kaibigan ko ang pangyayari kanina ng pauwi ako sa bahay at sa naramdaman kong inis para sa lalaki,at ang loka sigaw at tili lang ang ginawa.

Wala sa sarili pinaikot ko ang mata ko dahil sa naisip kong pangyayari saamin non'g lalaki at ang tudo suporta ng kaibigan ko para sa lalaki,tumatalab nadaw ang kapangyarihan kong mapansin non'g lalaki,e hindi nga iyon sadya ang mga pangyayari kanina.

Hindi ko lang talaga maiwasan'g makaramdam ng kahihiyan para sa nangyari kanina.Nasundan kopa talaga siya patungo sa bahay nila,pati ang babaeng nobya nito,ano nalang iisipin ng nobya nito saakin,at ang panghuli ay ang pag-aakalang hahalikan ako,may papikit-pikit pa akong nalalaman.Subra-subra naman ata ang kahihiyang nagawa ko ngayong araw na ito,nag dadalawang isip pa ako kong swerte ba ito o malas.Swerte dahil sa wakas napansin at kinausap nadin ako ng lalaking gustong-gusto ko at matagal konang hinahangaan,kaya ngalang sa mali at Hindi inaasahang pangyayari pa.

O hindi kaya malas, dahil kinausap ako nito gamit ang mapanghusga at bastos na pagkausap nito sakin dahil sa marahang mga paratang nito sakin, will hindi ko siya masisisi dahil bali-baliktarin ang mundo ganun talaga ang iisipin ng tao lalo na at napad-pad pa ako sa tapat ng bahay niya.

Napatigil ko sa pag iisip ng may kaluskos akong narinig sa labas ng aming bahay,nakita kong gumalaw ang halaman sa may labas ng bahay na aking ipinagtataka.Imposibling hangin ito dahil hindi naman malakas ang ihip ng hangin.

Dahan-dahan akong tumayo galing sa aking pag kakaupo para sana tignan kong ano ang bagay na nasalikod ng halaman ng maalala ang nakakatakot na pinanuod ko noon'g nakaraang araw na may halimaw na apat ng paa at may nanglilisik na mga mata.Hindi ko masiyang maaniniag Kong ano ang meron dito dahil sa dilim ito banda.

Marahan akong yumokod para kumuha ng bato,habang nakatuon padin ang aking mata sa may halaman banda,nang sa wakas ay may makapa akong hindi kalahihang bato ay kinoha ko ito at dahan-dahang tumayo.

"S-sino ang nandiya"utal kong sigaw,tulog na si mama kaya sigurado akong hindi ako naririnig ni mama.

Wala akong kahit na anong narinig kaya nag sisimula na ang aking kaba at kong hindi ito halimaw ay isa naman itong masamang tao na mag nanakaw o hindi kaya Isang mamatay-tao.Dahil mga kulig-lig ang narinig kong sumagot at bumwelo ako para masapol ang bagay na nasa likod nang halaman.At sigurado akong nag wagi ako dahil sapol ito sa may halaman.

"Fuck!"

Mabilis nag iba ang kanina kong takot na mukha ay biglang nangunot dahil sa pag tataka.Sigurado akong may narinig akong nag murang tao sa may halaman banda,baka tama nga ako at hindi ito halimaw dahil isa itong masamang tao na may balak mag nakaw at patayin kami.

"SINO KA"sigaw ko sa taong nag tatago sa likod ng halaman at marahang kumoha ulit ng bato at sa pagkakataong ito malaki-laki na ang batong kinuha ko.Wala padin akong narinig na boses kaya nag simula na akong humakbang.

Subrang higpit ng hawak ko sa malaking bato dahil sa kabang nararamdaman.Hinanda kona ang sarili ko ng mapalapit na ako sa kanyang pwisto,dahan-dahan kong inangat sa eri ang malaking bato para ihambalos ito sa taong magnanakaw.

Ito na talaga,kailangan kolang siyang matamaan at pag masapol siya ay mabilis nalang akong tatakbo sa loob ng bahay at siguradohing maka-kandado lahat ng pintoan na pwiding pasukan nito.Humakbang pa ako ng dalawang beses, sinigurado kong walang maririnig sa bawat hakbang ko.Huminga ako ng mamalim at bumwilong hinawi ang halaman ng hindi humihinga.

"AHHHHHHH,,,"Malakas kong hinambalos ang batong hawak ko para matamaan ang magnanakaw na kanina kopa kinatatakotan.

Napanganga lang ako nang tumalon lang ang bato sa lupa dahil sa lakas ng aking pag batu,at walang bakas ng tao ang narito.Asan naiyon,sigurado akong may narinig akong tao dito.Luminga-linga ako para hanapin ang siraulong tao, pero wala akong bakas na nakita ng tao.Madilim sa sa parting unahan kaya hindi ko maaninag kong may tao ba doon.

Nang masigurado kong walang tao sa labas,ay hindi na ako nag atubiling tumakbo papasuk sa loob ng bahay at isarado nang mabuti ang pintuan.Nag tatakbo ako sa hagdan papuntang kwarto dahil sa takot.

Imposibling guni-guni kolang iyon sigurado ako sa narinig kong boses kanina.Dali akong tumalon sa kama at nag takip ng makapal na kumot,paano kong matagal napala kaming binabantayan ng magnanakaw na iyon at nag hahanap lang ng tyempo,kami lang ni mama ang narito kaya hindi siya mahihirapang luoban kami.Sa subrang pag iisip ay hindi kona kinayanan ang antok dahil sa pagod at takot.






"biglaan naman ata yan mama"balik kong sagot kay mama ng sabihin nitong ngayon pupunta ang nobya niya at ipapakilala saakin,hapon pupunta ang lalaki at ngayon lang sinabi ni mama.Wala akong alam masiyado sa nobya nito,dahil puro magagandang hangarin lang ang naririnig ko galing kay mama at ni minsan ay hindi kodin ito nakita.Basi sa mga kwento ni mama ay positibo akong mabuting tao ang lalaki.

Bumalik ako sa kusina para mag salin ng tubig dahil sa uhaw,bakit naman Kasi biglaan at hindi ako handa,alam konaman na may nobya ito at masaya ako doon.Nakikitaan ko ng saya si mama sa tuwing nag k-kwento ito tungol sa lalaki at iyon naman talaga ang importanti saakin.Bit-bit ko ang isang basong tubig pabalik sa hapag sabay hila ng upoan at marahang umopo.

Kinuha ni mama ang kaliwang kamay ko,nilingon ko siya at naabutan ko itong naka nguso,hindi ko mapigilang hindi itago ang tawa dahil sa itsura nitu,gawain niya talaga ito basta gustong manlambing at para mapayagan.Hindi naman talaga ako hadlang sa kanila at masaya panga aklo dahil sa wakas may magmamahal na kay mama maliban saakin at mag aalaga.Dahan dahan kong ipinatung ang libre kong kamay sa kamay ni mama.

"Mama,masaya ako dahil nakikitaan kita Ng saya dahil sa kanya,at hindi ako magiging hadlang doon"Malumanay kong saad kay mama,habang may matamis na ngiti.

Mabilis na tumayo si mama at pumwisto sa likoran ko at hinawadan ako ng Isang mahigpit na yakap,napangit ako dahil ramdam na ramdam ko ang sayang nararamdaman nito.

"So payag kana?"masayang tanong ni mama habang nakatagilid pa Ang ulo.Napatawa naman ako dahil sa inasta nito.Will may magagawa ba paba ako anong karapatan kong ilayo siya sa mismong kasiyahan nito.Dahan-dahan kong tinaas baba ang aking ulo para sa pag sang-ayon.

"I love you anak"matamis at may lambing na sabi nito.





Wind In The SkyWhere stories live. Discover now