Kabanata4

0 0 0
                                    

"Anak ayos naba itong ayos ko?"tarantang saad nito habang nag-aayos,pinagsadahan ko ng tingin si mama kita ko ang kaba sa kanyang mata, habang sinusuri ko siya gamit ang seryosong mukha,maganda si mama at hindi ako nag kamaling napiling ipasuot sa kanya,simpli lang ang suot ni mama pero kitang-kita ko ang bagay sa katawan nito.

Lumapit ako sa kanya at pumwisto sa likoran nito at ipinatong ko ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ni nito at marahang tumingin sa salamin.

"Mama"Seryuso kong tawag dito.

"a-ano,pangit ba palitan nala-"

"Ang ganda ganda niyo po subra" putol ko sa kanya habang may ngiti sa labi at ginawaran ito ng hakap.Bumasangot ang mukha ni mama dahil sa ginawa ko.

"Ikaw bata ka pinakaba muko"Natawa nalang ako ng paluin nito ang siko ko

"Pano yan anak,na unahan pakitang mag ka nobyo"natatawang saad nito,umatras nalang ako ng may nakapaskil na busangot sa mukha.

"Iwan ko sayu ma" balik kong sagot ditu at tinulungan nalang siyang mag ayos.

Inaayos ko ang mga pagkain sa hapag,hindi karamihan ang hinanda naming pag kain ni mama dahil dalawa lang naman daw sila ng nobya niya at ang anak nito.Nagulat nga ako ng malaman na may anak na pala ito ng sabihin ni mama kanina,dalawang agwat lang ang idad namin kaya hindi ito nag kakalayo.Hindi konga lang alam kong babae ba ito o lalaki,hindi kodin na tanong kay mama dahil sa sigurado naman akong hindi ko ito makakasundo.

Daling napatayo si mama nang may nagparada nang sasakyan sa labas ng bahay.Basi sa itsura ni mama parang ito na ang inaabangan niyang darating.

Hindi kona inantay makabalik si mama at marahan na akong tumayo para umakyat sa taas para makapag bihis.Mabilis lang akong naghilamos at hindi nadin masyadong namili ng susuotin,kinuha kona ang black sleeveless at pinarisan ito ng short.

Tinignan ko ang kabuohan ng aking suot,hapit na hapit ito sa katawan ko, disenwibi lang ako pero palagi akong mapapag-kamalang binte singko.Nag lagay lang ako ng kuliti sa mukha at ng makontento ay naisipan ng bumaba.

Hindi pa ako tuluyang nakababa ay namataan kona si mama sa hapag at kasama nitong lalaki na nakatalikod, ito na siguro ang nobyo ni mama,nag uusap sila na may ngiti sa labi si mama dahil sa maliliit na biru ng lalaki na naririnig ko,hindi kodin mapigilang na may lumabas na ngiti sa aking labi habang pinapanuod si mama.Hindi pa ako tuluyang makababa ng mapad-pad ang tingin ni mama sakin na may naiwan pang ngiti.

"Anak"sambit ni mama at tumayo galing sa pag kakaupo,hindi na ako nag atubiling salubongin siya.Bumaling ako sa gilid kong saan nandoon ang nobya ni mama,mabilis itong tumayo at lumapit saamin,napabaling ako kay mama ng magsalita ito.

"Anak si friend nobyo ko,frieyd prinsisa ko si andreanna"Mahabang pakilala ni mama saamin.Nilingon ko si uncle frieyd na may ngiti.

"Magandang gabi po uncle frieyd"magaan na pag bati ko kay uncle frieyd.Ngumiti naman ito at marahang nag lahad nang kamay,hindi na ako nag atubiling kamayan siya pabalik at nag bigay ng ngiti.

"Good evening din eijha,ikaw pala ang anak ni Laura,kiy gandang bata"Nakangiting sambit nito na ikahiya ko dahil sa papuri nito.

"Sakto lang po"biru konamang sagot habang nakakamot sa ulo.Natawa naman sila pareho sa sagot ko at nakisabay nalang din ako,maya-maya ay inaya na kami ni mama sa hapag para makapag haponan.

Nakitaan ko ng pagkaalaga si uncle frieyd kay mama kinukohanan niya ito ng tubig at sinusuboan,nakikita kopang mahinang pinapalo ni mama pag ginawa ni uncle frieyd iyon.Tahimik lang ako at pag maytinatanong si uncle frieyd ay doon palang ako mag sasalita at sasagot.

"Ngapala babe,asan itong anak mo at hindi mo kasama pumarito?"Tanong ni mama dahilan ng pagbuga ko ng tubig na nasa bibig ko, buti nalang ay sa gilid ko ito naibuga.

"Anak!ayos kalang"agap na tanong ni mama napatingin naman ako sa nobyo nito na may pag aalalang mukha.Agap naman akong tumango at kumoha ng tisyo sa gilid at nag punas ng bibig.

Bakit naman kasi sa daming pwiding tawagan at babe patalaga tapos ang lambing pa ng boses ni mama ng binanggit niya ang linyang iyon,hindi lang talaga ako sanay na marinig iyon galing kay mama.May nakapaskil na pagtataka si uncle frieyd sa ikinilos ko kaya binigyan kolang ito ng ngiti para makumbinsing ayos lang ako at nag wagi naman ng bumalik ang tingin nito kay mama.

"Iyon na nga,maayos ang usapan namin,ngunit ng sinabi ko na ngayong araw kami paparito ay ngayon pa naging busy"Mahabang paliwanag ni uncle frieyd.

"uncle frieyd mawalang galang napo,pero tanggap poba ng anak niyo si mama"May respeto kong tanong dito,dahil hindi ko maiwasang isipin na kaya hindi pumunta ang anak niya dito dahil ayaw niya lang talagang pumarito upang makilala si mama.

Nakita kong napabaling si mama kay uncle frieyd na may pag-aalalang nakapaskil sa mukha at nag naghihintay ng sagot kay uncle frieyd,marahang hinawakan ni uncle frieyd ang kamay ni mama,pati ako ay nakaramdam nadin ako ng kaba, dahil paano kong saktan niya si mama dahil sa pagkaroon ng relasiyon ng ama niya at ina ko,hindi naman Ako papayag na gawin niya iyon at mag kakamatayan muna kami bago niya masaktan si mama.

"Wag kang mag alala Laura,tanggap tayo ng anak ko,,"paniguradong sagot ni uncle frieyd habang nakatingin kay mama at bumaling sakin.Ngumiti ako dahil kahit papano ay mas gumaan ang loob ko dahil sa sagot ni uncle frieyd at lalo na para sa kaligtasan ni mama.

"Sayang nga at hindi nakapunta dito pero sigurado akong makakasundo kayo non'g anak ko eijha,,"Hinayang na may ngiting sabi ni uncle frieyd na sinang-ayunan naman ni mama.Lihim akong napangiwi dahil sa sinabi nito,marahan konalang silang binigyan ng tango.

"O-opo Naman,,"sagot ko habang may pilit na ngiti sa labi.Kong alam niyo lang seven billion people in the world maliban sa isa kong kaibigan ay wala ng kumaibigan at tumanggap saakin,wala palang akong ginagawa ay nang-gagalaiti na sila sa inis,lalo na sa pinapasukan kong paaralan ngayon.Sa anak niya hindi na ko magtataka kong makita man ako nun ay mas gugustohin niya nalang mag kulang sa kwarto kisa makipag-usap saakin.Hindi na ko umaasang magkakasundo pa kami,babae man o lalaki.

Tumolong ako sa pag ligpit ng pinagkainan upang mabigyan nadin sila ng oras na makapag-usap ng masinsinan.Dala ko ang mga pinaggamitan naming plato habang patungong kusina upang makapag hugas.

Maayos sa akin si uncle frieyd kita ko ang pagiging mabait nitu at ma-alalahanin,kita ko ang pagmamahal nito sa aking ina.Kong totuosin ang galing ngan'g pumili ni mama sa lalaki, dahil kahit may-katandaan na si uncle frieyd ay makikita mo talaga na gwapo ito,lalo na siguro noon'g kabataan pa nito,at hindi ako magkakamaling maganda at gwapo din ang anak nito,may seryoso din itong aurang dala na aakalain mo talaga sa una ay masungit,ngunit pag nakausap mo ito ay kaibahan ng aura sa ugali nito.

Napatigil ako sa paghuhugas ng may marinig akong hakbang papasuk sa kusina kong saan ako nag huhugas.

"Anak"si mama pala,nilingon ko ito pero hindi na ako umikot.

"O ma bakit po? Si uncle frieyd po"tanong ko dito at marahang kumoha ng tuwalya para ipangpunas sa basa kong kamay.

"Anak salamat"Hindi niya pinansin ang tanong ko sa halip ay lumapit saakin,nang matapos akong mag punas at makontento ay lumingon ako sa kanya.

"Bakit ma?para saan po?,,"magtataka kong tanong sa kanya.

"Dahil tinanggap mo si frieyd anak"sagot ni mama na nagpangiti saakin,humakbang ako para maabot ang dalang kamay niya at marahan itong pinisil.

"Mama,ako nga dapat ang magpasalamat kay uncle frieyd"saad ko ditong nakanguso."kasi nga maliban saakin na nagmamahal sayo ay andiyan na si uncle frieyd para dumagdag,,"maluha-luha kong saad dahil sa wakas ay may magmamahal ng totoo kay mama maliban saakin.

Nakatanggap ako ng mahigpit na yakap galing sa aking ina ng marinig niya iyon.Kontento na ako basta makita kolang masaya si mama at inaalagaan itong mabuti iyon lang naman ang tangi kong hangad at sana lang ay hindi ako bibigoin ni uncle frieyd,dahil kong sakaling gagawa siya ng hindi maganda,ay makikita niya,mahirap lang ako pero kaya kong bumiyak na matigas na bato alang-alang sa aking ina.

Wind In The SkyWhere stories live. Discover now