Aminado si Xenia na siya lang ang may kasalanan ng lahat kung bakit naghiwalay sila ni Russel limang taon na ang nakararaan. Ayun ay dahil sa napakahina ng kanyang loob at hindi niya ito nagawang ipaglaban. Alam niyang wala na siyang karapatan at wala na siyang pag-asa dahil may minamahal at may kinakasama nang iba ang binata. Kaya wala na siyang magawang iba bukod sa magsisi at humiling ng kahit isang araw pa para muling makasama ito; isang araw pa para maramdamang muli ang pagmamahal nito; isang araw pa para maitama ang mga maling desisyon na nagawa niya noon para sa kanilang dalawa. Isang araw pa--kung darating man ang isang araw pa na iyon, kung mabibigyan pa siya ng isa pang pagkakataon, pipilitin niyang manatiling buo ang kanilang pamilya. (𝐎𝐃𝐌 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏) • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝗗𝗘𝗖𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟮𝟬𝟮𝟯 •