"She is not my real daughter. Kamukha lang siya ni Adelaida kaya ko siya kinupkop at inampon." -Zander Walker Zander Walker, 40 years old and he is very successful businessman. Ikinasal siya sa edad na bente anyos sa kaniyang kababatang si Adelaida Morales subalit maaga itong naging byudo dahil namatay ang kaniyang asawa sa sakit na cancer at hindi sila nabigyan ng anak. Subalit lingid sa kaniyang kaalaman, palihim pa lang nagkaanak si Adelaida sa best friend ni Zander na si Jordan Fernando. Upang hindi malaman ang kanilang kataksilan, ipinaampon ni Adelaida si Sarina sa isang bahay ampunan. Sa pagkamatay ni Adelaida, ibinuhos naman ni Zander ang kaniyang atensyon sa mga batang nangangailangan ng tulong. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ni Zander ang batang si Sarina na kamukhang-kamukha ng kaniyang yumaong asawang si Adelaida. Malalaman ba ni Zander ang lihim ng kaniyang asawang si Adelaida?Sa pagtuntong ng labing-walong taong gulang ni Sarina, malalaman ba niya na siya ay isang bunga ng kataksilan ng kaniyang ina?