Prologue

62 3 0
                                    

Prologue

"Jordan, stop it," nandidiring wika ni Adelaida kay Jordan habang patuloy ang paghalik nito sa kaniyang balikat.

Nainis ang binata at bigla niyang itinulak ang dalagang si Adelaida upang sanhi ng kaniyang pagkakahiga sa sofa.

"What's wrong with you?! Hindi ka na ba nasisiyahan sa akin, huh, Adel?" humahangos at pagalit na saad ni Jordan sa dalaga.

Biglang tumayo mula sa pagkakaupo ang dalaga at kasabay nito ang pagkuha niya sa bag na nakalagay sa mini table.

"Itigil na natin ito, Jordan. Ayoko na at alam mo iyan!"

Biglang itinikom ni Jordan ang kaniyang kamao dahil sa inis na nasabi ni Adelaida sa kaniya. "Bakit ano nga ba ang iyong dahilan, huh, Adel? Bakit ka nakikipaghiwalay sa akin? Masaya naman tayo hindi ba?!"

Biglang pumatak ang luha ng dalaga sa harapan ng kaniyang kasintahan. "Sorry, it is my fault, Jordan. It is my fault!!!"

Sa sobrang sakit ng loob ng dalaga, napaupo ito sa sofa. Nilapitan ni Jordan ang kasintahang umiiyak sa kaniyang harapan at kaagaran niyang sinapo ang mukha ni Adelaida upang mapatahan ito sa kaniyang patuloy na pag-iyak.

"Tell me, what's your problem? Is anything wrong? Kasi ilan buwan na rin kitang napapansing balisa at matamlay. Promise, makikinig ako sa'yo," nag-aalalang wika ni Jordan sa dalaga.

Lalong lumakas ang pag-iyak ng dalaga at niyakap niya nang napakahigpit si Jordan. Halos ayaw na nitong kumawala sa kaniyang bisig.

"Alam ko magagalit ka. Alam kong isusumpa mo ako kung sasabihin ko sa iyo ito," umiiyak na saad ni Adelaida sa kaniya.

Napakunot-noo ang binata sa harapan niya at muli siyang napatanong sa dalaga. Hindi nito mawari kung ano nga ba ang ibig sabihin ng kaniyang kasintahan. Patuloy naman ang pagbagsak ng mainit na tubig mula sa mata ni Adelaida at halos hindi nito maibuka ang kaniyang bibig tungkol sa kaniyang hinaing.

"Please, tell me. Are you pregnant? Pananagutan ko, mahal ko," nakangiting wika ni Jordan sa kaniya at sa isip niya na sana ay tama ang kaniyang hinuha tungkol sa iniiyak ni Adelaida sa kaniyang harapan.

Biglang umiling si Adelaida at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Jordan.

"L-Listen, please, huwag mo akong kamuhian," patuloy na pagtangis ni Adelaida sa harapan ni Jordan.

"Yes, please tell me, " nakangiting saad ni Jordan sa kaniya habang pinupunasan nito ang luha ng kaniyang mahal na kasintahan.

Hindi mapakali ang dalaga sa kaniyang sasabihin at pikit mata niyang isinaad ang nais niyang sabihin kay Jordan.

"I will marry Zander, my love. I don't like it and you know how much I love you. But that's what daddy wants for me and if I don't marry him, Zander's daddy will kill my daddy because we owe them a lot of money," umiiyak na paliwanag ni Adelaida sa kaniyang kasintahan.

Halos mabaliw si Jordan sa kaniyang nalaman dahil si Zander ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan.

"W-What? Nang dahil lang doon, sasayangin mo ang 3 years nating relasyon, huh, Adel?" pagalit na tanong ni Jordan sa kaniya.

Hot 40's: His Foster DaughterWhere stories live. Discover now