Ang istoryang ito ay tungkol sa dalagang si Mian. Namatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Dahil doon siya ang tumayong magulang sa mas nakababatang kapatid na si Lian. Sa hindi niya alam na dahilan ay kinitil ng kanyang kapatid ang sariling buhay nito. Pinagpapatuloy niya ang kanyang buhay ngunit patuloy rin siyang nilalamon ng konsensya dahil hindi niya napigilan ang nagyari sa kapatid. Nabubuhay sa mga tanong na bakit, na kailanman ay hindi na magagawang masagot ni Lian. Isang gabi habang pauwi siya galing sa trabaho. Isang Melemeros ang nagpakita sa kanya. Isa itong kakaibang elemento na galing sa mundo ng Puragohoya, mundo kung saan nagtitipon-tipon ang mga nililitis na kaluluwa. Siya ay si Sedan at misyon niyang iligtas ang mga taong ibig kitilin ang sariling buhay at para magawa iyon kailangan niya ng tulong ni Mian. Nagdadalawang isip si Mian kung tutulong siya. Ngunit binigyan siya ng kondisyon ni Sedan, bilang kapalit, tutuparin ni Sedan ang hiling ng dalaga na makausap ang kanyang kapatid na si Lian na siyang kasalukuyang naghihintay na malitis sa mundo Puragohoya.