Sa isang maliit na bayan, may isang lalaking nagngangalang Sean. Siya'y itinuturing na isang heartthrob sa mata ng mga tao, ngunit sa likod ng kanyang kasikatan, may pagka-abnoy siya dahil sa kanyang mga nakakatawang kalokohan. Kilala si Sean bilang isang malikot at nakakatawang tao. Noong sila pa'y mga bata pa, nagkrus ang landas ni Sean at ng isang batang babae. Magkasama silang nagtatawanan at nag-enjoy sa isa't isa, ngunit hindi niya itinanong ang pangalan ng babae. Gayunpaman, ang mukha ng batang babae ay nakatatak sa kanyang isipan, at hindi niya ito malilimutan, lalo na ang kanyang nakakaaliw na ngiti. Gaya ng sinasabi ng tadhana, nagkita muli sila sa parehong high school. Sa isang nakakatawang pangyayari, hindi nila inaasahan na magkaklase pala sila. Sa gitna ng daan, si Sean ay biglang nadulas sa harap ng kanyang crush. Hindi nila alam na ang kanilang mga landas ay pinagtatagpo na ng kapalaran. Malulutas kaya ni Sean ang misteryo ng kanyang matagal nang nagugustuhan at maipahayag ang kanyang tunay na damdamin kay Allie?