Chapter 1

10 0 0
                                    

Ako si Sean, isang simpleng binata na mahilig sa mga nakakatawang eksena sa buhay. Hindi ako mayaman, pero mayroon akong malaking puso at maraming pagmamahal na ibibigay. Isa sa mga pangarap ko ay makatagpo ng babaeng magpapasaya at magpapakilig sa aking buhay.

Isang umaga, habang nagmamadali papuntang paaralan, bigla akong nadulas sa isang banana peel sa harap ng isang bakery. Nagmistulang komedyante ako sa harap ng mga taong nakapaligid. Lahat sila'y tumawa at nagtawanan, kasama na rin ang isang babae na hindi ko inaasahang nandoon rin.

'Hayst! Nakakahiya shet!'

'Umayos ka nga! Dapat pogi lang sa paningin nya okay?' bulong ko sa aking sarili.

Ang babae na iyon ay si Allie, isang masayahin at mabait na dalaga na nakatira sa katabing bahay ng aking best friend na si Mark. Sa kasamaang-palad, hindi ko pa siya nakilala noon. Ngunit dahil sa aking kapalpakan at malas, ngayon ay nagkaroon na kami ng "memorable" na pagkikita.

"Naku, sorry talaga!" pagsusumbong ko sa kanya habang patayo. "Hindi ko inaasahan ang saging na iyon!"

Tumawa siya ng mahinhin at sinabing, "Hindi mo kasalanan. Siguro mag-iingat ka nalang sa susunod baka sakin ka naman mahulog"

'Aba! Bumabanat'

'Wait, kinikilig ako shet!'

Nagkatitigan kami ng mga ilang segundo, at biglang naramdaman ko ang pagkakakilig. Para bang ang lahat ng kalokohan ko ay nagdulot ng isang hindi inaasahang koneksyon sa pagitan namin.

Nang mapansin niya ang aking pagkakatulala, nag-alala siya at sinabi, "Uy, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?"

Tumango ako at sinabing, "Wala namang seryosong nangyari. Mas nasaktan lang siguro ang aking ego!"

Napahalakhak siya at tumulong sa akin na mag-ayos ng mga bitak sa aking mga damit. Habang pinapanatag niya ako, hindi ko mapigilang maakit sa kanyang ngiti. Parang may mga paparating na kalokohan sa mga susunod na eksena ng aming pagtatagpo.

Pagkatapos ay nagpasya kaming magkape sa isang malapit na coffeshop. Habang naglalakad kami, nagtawanan kami ng malakas sa mga nangyari at nagsimulang magkuwentuhan.

Nalaman ko na siya ay nag-aaral din sa paaralang pinapasukan ko at siya rin ay mahilig gumawa ng mga kakaibang tula. Sa kabilang banda, ibinahagi ko rin sa kanya ang aking hilig sa paggawa ng kalokohan sa aking mga kaibigan.

"Ang galing mo naman," sabi ko habang tumatawa.

"Ang pogi mo Sean.."

"Akala ko, heartthrob lang ako sa paningin ng salamin."

Napahalakhak siya at sinabing, "Hindi lang sa salamin, Sean. Sa mga mata ko rin!"

Ang mga salitang iyon ay biglang nagpabilis ng tibok ng aking puso. Hindi ko inaasahan na ang isang tulad kong simpleng binata ay magkakaroon ng ganitong pagtingin mula sa isang babae na kagaya niya.

Tuloy-tuloy ang aming pagkakakwentuhan habang naglalakad papunta sa paaralan. Doon ay nagulat kaming pareho nang malaman na magkaklase pala kami sa unang subject ng aming klase.

"Grabe, malas mo talaga at nadulas ka pa sa harap ko. Pero alam mo, swerte mo rin kasi magiging kaklase mo ako!" biro ni Allie habang patuloy kaming naglalakad.

Tumawa ako at sinabing, "Oo nga, siguro ganoon na lang ang tadhana. Isipin mo, nakita mo pa ang pagkadulas at pagkabaliw ko bago pa man tayo naging magkakilala."

Nagpatuloy ang aming mga tawanan habang papalapit kami sa silid-aralan. Hindi ko maipinta ang kasiyahan na nararamdaman ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Sa mga sandaling iyon, nagkaroon ako ng pag-asa na baka ito na nga ang magsimula ng isang espesyal na pagkakaibigan o kahit na maging higit pa sa kaibigan.

Ilang araw na din ang nakalipas ng una naming pagkikita ni Allie at ngayon ay nagpapalitan kami ng mga tawanan at kwentuhan sa loob ng room, hindi ko mapigilan ang aking puso na bumilis sa tuwing naririnig ko ang kanyang malambing na tinig. Napapangiti ako nang hindi namamalayan, dahil kahit saan ako tumingin, palaging may mga senyales ng pagkakagusto ko sa kanya. Subalit, ang aking mga kaibigan, lalo na si Mark, ay hindi magpapahuli sa pag-aasar sa aming dalawa.

"Oi, Sean! Mukhang may spark na nagsisimula diyan ha!" sabi ni Mark na may nakangiting tingin.

Napahalakhak ako at pinagtangkang itago ang aking kaba. "Hindi naman 'no! Friends lang kami ni Allie," tanggi ko.

Ngunit sa loob-loob ko, sa bawat ngiti ni Allie at bawat tawa na ibinabahagi namin, lalo akong nababalot ng isang emosyon na hindi ko maitago. Gusto ko sana sabihin sa kanya ang totoo, pero takot ako sa posibilidad na mawala siya sa aking buhay kung hindi naman niya rin nararamdaman ang parehong paraan. Mas pinili kong manatiling kaibigan na lamang kami, kahit na ang puso ko ay humihiling ng higit pa.

Habang naglalakad kami kasama sina Mark at Rex, bigla naming narinig ang mga bulung-bulungan tungkol sa isang away sa cafeteria. Agad na napagpasyahan nina Mark at Rex na pumunta roon upang tingnan kung ano ang nangyayari. Sinabi ko na lang na sila na lang ang pumunta dahil tinatamad ako. Ngunit sa loob-loob ko, nag-aalala ako dahil wala si Allie sa tabi ko.
Sa totoo lang, tinatamad ako at wala akong balak pumunta.

"Naku, dre, bahala na kayo. Sino naman ang pupuntahan natin doon? Di naman importante yun." sabi ko sa kanila habang nagmamadaling umupo sa isang upuan na naiwan sa hallway.

"Pumunta na kayo, ayoko sumama. Sunduin n'yo na din si Allie baka naligaw na iyon. Sabi nya ay mag ccr lang siya." Sabi ko sa kanila.

"Sige, kami na bahala dre." Sabi ni  Mark at umalis kasama si Rex.

Ngunit sa loob-loob ko, nag-aalala ako dahil wala si Allie sa tabi ko.

'Sabi niya ay mag-ccr lang siya pero kanina pa iyon eh?' bulong ko sa aking sarili habang pakamot kamot sa noo.

Napaisip ako sa mga maaaring dahilan habang pinapanood ang mga tao na nagmamadali papunta sa cafeteria.

Pagkaraan ng ilang sandali, nagbalik sina Mark at Rex, at kitang-kita ko sa kanilang mga mukha na may mga nangyaring malalim sa cafeteria. Tinanong ko sila kung ano ang nangyari, pero bago pa sila makasagot, napansin ko na wala si Allie sa kanilang tabi. Agad akong nag-alala.

"Nasaan si Allie? Ano ang nangyari sa kanya?" tanong ko sa kanila, puno ng pag-aalala.

Tumugon si Mark, "Nag-away sila ni Cheska, Sean. Sinubukan naming tulungan si Allie, pero di kami makadaan dahil sobrang sikip at natatakpan sila."

Napaigting ang aking panga sa narinig.

"Ano ba kayong dalawa bat niyo iniwan si Allie doon?!" Sigaw ko. Di ko na pinansin ang sinabi ng aking kaibigan.

Naglakad akong mabilis papunta sa cafeteria, walang pakialam sa mga tingin at tawanan ng ibang mga estudyante. Nagpatuloy ako sa paghahanap kay Allie, at hindi ko inaasahang makakakita ako ng eksena na hindi ko inakalang mangyayari.

Doon ko nakita si Cheska na tila galit na galit at pinagmumura si Allie. Walang awa niyang tinulak niya si Allie nang malakas, kaya't ito'y naupo sa lapag. Nag-init ang dugo ko at agad na lumapit sa kanila upang ipagtanggol si Allie.

"Cheska! Tama na 'yan! Hindi mo siya dapat ginaganyan!" sigaw ko sa kanya habang pinipilit na pigilan ang aking galit.

Ngunit sa halip na umatras, natapilok ako. Oh, ang kapal ng mukha ko, nagmukha akong tanga. Pinagtawanan ako ng mga tao sa paligid, at para akong clown na nagpakita ng isang nakakahiya at komedyang eksena. Pero sa gitna ng aking kabobohan, may isang lalaki na biglang lumapit kay Allie at nag-abot ng kamay sa kanya. Hindi ko siya kilala, tila bagong estudyante lang. Ngunit sa simpleng pagkilos na iyon, nabuo sa akin ang isang malaking selos sa lalaking iyon.

'Aba! Inunahan pa ako sa bebe ko ah?'

Napatayo ako doon, may halong pagkapahiya. Sa loob-loob ko, wala na akong maitatago. Ang lahat ng kalokohan ko, ang aking mga kapalpakan, lahat ng ito ay nabunyag sa harap niya. Ngunit sa halip na kahiyahiyang salubungin ako, siya ay nagpatuloy na tulungan si Allie.

Hindi ko alam ang lahat ng salita na sinabi niya kay Allie, dahil sa kasalukuyang sandali, ang atensyon ko ay nakatuon lang kay Allie. Napansin ko ang kanyang matamis na ngiti habang binibigyan niya ng lakas ng loob si Allie. At sa aking puso ngayon ay nagdurugo.


Love At First SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon