Namamasukan bilang isang kasambahay si Lourdes. Hindi na siya nagde-day off upang hindi mapagastos. Gasino lang kasi ang sahod niya. Kung maluho siya ay baka kulang pa ito sa kanya. Kaya sa online shopping na lang siya tumitingin tuwing may gustong bilhin. Nag-order siya ng nauuso ngayon na mystery box. Ganoon na lamang ang pagtataka niya ng sukatin ang mga bagay na nakuha niya sapagkat may mahika ang mga ito. Dinala siya nito sa tila enkantadong kaharian. Dito natuklasan niya ang posibleng may-ari ng mystery box na nagngangalang Suzette, isang tao at marahil nanghihina na ito dahil daw sa isang sumpa ng enkantadong nobyo. Kailangang mai-balik ang mga bagay sa loob ng apatnapu't araw dahil kung hindi ay mamamatay ang dalaga.