‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 3 of Never Series Read at your own risk. May sikreto ako. Lumaki ako sa isang royal family na kung saan kaming mga kababaihan ay may hindi pantay na karapatan sa mga kalalakihan. Ang mga kalalakihan lang ang nakalinya sa trono, habang kaming mga kababaihan, nakalinya lang para maging asawa at magsilang ng mga bata. May sikreto ako. Sa mismong araw ng kasal ko ay tinalikuran ko ang lalaking pinakamamahal ko kasabay ng pagtalikod ko sa royal family ko at nagpakalayu-layo. Masakit na iniwan ko siya pero mas masasaktan lang ako kung pinili kong magpakasal sa kanya. Hindi lang sapat na mahal ko siya para kami ay mag-isang dibdib kung itinakda ng aming mga magulang ang aming kasal sa una pa lang. May sikreto ako. Ako si Princess Cassiopeia Nyra Javaherian ng Kingdom of Circassia. Napadpad ako sa Batanes at nagtatago sa pangalan na Fleur Ellie Benitez-Suarez. Payapa na sana akong namumuhay malayo sa nakasanayan kong buhay pero sa dinami-rami ba naman ng makakasalubong ko ay ang ka-apelyido pa ng hiniraman ko ng pangalan! Si Scout Sniper Fortunato Jaxx Suarez---na papasa rin bilang isang Royal Prince. At umaasam ako na siya ang aking knight in camouflage armor.