#NYMSChapter16

2.3K 69 9
                                    

Matapos ang bangayan sa Volkswagen Type 2 ay narating din namin ang Sabtang Island. Nagtaka pa nga ako n'ong una bakit kami nandito. Ang akala ko kasi ay didiretso kami sa bahay dahil wala pang pahinga si Fort pero mukhang may ibang plano si Fort at ang The Fort Boys.

"Kung ang Korea ay may Bangtan, ang Batanes naman ay may Sabtang!" Sigaw naman ni Stark pagkababa niya sa kotse. Tinaas pa niya ang dalawa niyang kamay. "Ang ganda mo Sabtang Island!"

Napatingin naman ako sa paligid. Nasa gilid kami ng daan ng Chamantad-Tinyan. At mula sa pwesto namin ay kita ang magandang viewpoint. May isang foot trail din ang papunta sa mga rolling hill. Mula rito ay kita ang mabatong talampas from the slopes of the hills, na lumilikha ng mga natural na frame para sa kamangha-manghang tanawin ng Chamantad Cove sa ibaba. At sa unahan nito ay ang isang malawak na karagatan.

Binatukan naman ni Fort si Stark nang masunod siya sa pagbaba. "Ang ingay mo. Respeto sa mga tao rito."

Napakamot-batok naman si Stark. "Hala si OA! Nasa harap tayo ng dagat, oh. Ano'ng mga tao d'yan?!"

"Chief Wife, h'wag ka pong maniniwala sa kanila, ha?" Patuloy na pangungulit sa akin ni Ulan nang bumaba na rin kami sa kotse. "Ganyan po talaga sila. Mga bashers ko po 'yan. Naniniwala po talaga ako na ang mga taong nagpapakumbaba ay itinataas, at ang mga nagmamataas ay ibinababa."

Natawa naman ako kay Ulan dahil ngayon ay bothered pa rin siya sa ibinunyag ni Fort sa tungkol sa kanya. Tumabi naman sa akin si Boris para bumulong. "May imaginary bashers. Feeling peymus. May sayad po 'yan, Chief Wife. You doesn't believes onto him."

Siniko ko naman si Boris habang nagpipigil pa rin ako ng tawa. Grabe sila mag-asaran. Napansin naman ni Ulan ang pagbulong sa akin ni Boris. "Oy, Bigornia! Dinedemonyo mo pa si Chief Wife, ha! Humanda ka talaga sa akin!"

"Tama na 'yan." Sita naman ni Fort kaya tumigil na ang dalawa.

Natawa na lang ako sa kanila. Bumaba naman si Cole mula sa driver's seat. "Ayan, ang gulo niyo kasi. Kapag sumabog na naman 'yan si Fort, sinasabi ko sa inyo. Tandaan niyo, mabait lang 'yan ngayon kasi andito si Chief Wife."

"Tamod lang? Sumasabog. Charot lang po!" Singit naman ni Alab.

Napasapo na lang ako sa noo ko. Grabe, kung anak ko lang silang lima, baka maaga akong mabinat sa kanila dahil ang gugulo nila.

Humarap na si Fort sa kanilang lima. "Ang dami niyong alam talaga. Ayusin niyo na ang tent. Ipapasyal ko lang ang asawa ko."

"Ayieee..." Sabay-sabay na naman nilang pang-aasar sa amin.

"Sana all may bebe time!" Pang-aasar pa ni Boris.

Ngumisi lang si Fort sabay hawak sa kamay ko. Nag-intertwine pa ang mga daliri namin. Nagtilian na naman sila pero hinila na ako ni Fort paalis sa kanila. Kinilig naman ako habang magkahawak ang mga kamay namin. First time ko lang ito ma-experience. Iyong para kayong high school students na naglalakad sa pamamasyal habang magkahawak ang kamay.

Maraming magagandang bagay talaga ang dinulot nang pag-alis ko sa Kingdom of Circassia. Iyong nakakulong lang ako sa palasyo, maganda man tignan ang estado ko pero limitado lang ang galaw ko bilang isang babae. Pero rito, bukod sa naranasan ko ang freedom, dito ko rin nararanasan ang mga maliliit na bagay na nagdudulot sa'yo ng malaking kagalakan.

Napatingin naman ako kay Fort. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang side profile niya. Grabe ang dinulot ng lalakeng ito sa buhay ko. Iyong unang gabi na halos i-surrender niya ako sa mga tanods dahil nag-akyat bahay ako sa kanya; hanggang sa buksan niya ang bahay niya para patirahin ako; hanggang sa magkaroon ako ng sariling trabaho; hanggang sa marating na namin ang puntong ito ng buhay namin na gusto namin ang isa't isa.

Never Yours Maybe SoonWhere stories live. Discover now