#NYMSChapter18

1.6K 48 16
                                    

"Natoy!"

Kita ko ang isang babae na mabilis na yumakap kay Fort. Pagkayakap niya kay Fort ay ginulo pa nito ang buhok ni Fort. Kita ko naman na nabwisit si Fort na pilit na kumakalas sa yakap nung babae sa kanya.

Nakawala naman si Fort sa yakap nito at inayos niya ang buhok niya na ginulo nung babae. "Ate, hindi na ako bata."

Ate? So, safe ako na walang kaagaw kay Fort. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang relasyon nilang dalawa. Pero, kahit na ate o kuya ang tawag ay pwede pa ring maglandian. Wala naman kasing sinabi si Fort kagabi bukod sa darating si L1. Sino ba si L1?

Nag-pout naman iyong babaeng tinawag niyang babae. "Kahit hindi ka na bata, ikaw pa rin ang baby Natoy namin kahit bulbulin ka na."

Ano raw? Medyo nagulantang ako sa sinabi niya. Kahit na ganito rin ako kabulgar kay Fort noong unang tagpo namin, medyo nakakabigla pala kapag sa iba mo naririnig. Ngayon ay gets ko na si Fort kung bakit naiinis siya sa dumi ng bibig ko noon sa kanya.

"Ate!" Singhal naman ni Fort. "Bibig mo. At tigilan mo ako sa pagtawag na Natoy."

Natawa naman siya kay Fort. "Ang cute kaya ng Natoy! Saka, why ba? Unless nagse-shave ka kaya wala kang bulbol. Arte mo, lahat naman ng tao ay bulbulin na starting from their teenage years."

"Ate, ano ba!" Sita ulit ni Fort sa kanya.

"Fine!" Sagot din niya kay Fort at tumagos ang tingin niya mula kay Fort papunta sa akin. Kita ko ang pagkunot ng noo niya habang tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik ulit sa mukha ko. 

Napalingon naman sa akin si Fort nang sundan niya ang tinitignan ni L1. Muli naman niyang tinignan iyong babae. "Ah, ate, si Cassiopeia nga pala...ano, ahmmm..." Nauutal na sambit ni Fort na hindi alam kung paano ako ipapakilala.

Tinignan din siya ulit ni L1. "Nakikipag-live in ka na, Fortunato?! OMG! You're a grown man na talaga! Alam na ba ito nila Tito't tita?! Gosh! Ichi-chika ko ito kay Isah, Dos at Tres! Maski sina Kuya EJ, Kuya Elias, at Kuya Yoti ay sasabihan ko! Kumakarat ka lang pala rito sa Batanes! Sana all!"

Kita ko namang napamasahe si Fort sa sintido niya dahil sa stress. "Ate! Hindi kasi gan'on 'yon. Mahabang kwento."

Ngumisi naman ito na tinignan pa si Fort mula ulo hanggang paa bago ito maglakad papunta sa sala at naupo sa couch. "E 'di ikwento mo. Marami akong time para makinig sa mahaba mong kwento, Natoy."

Napatingin naman ulit sa akin si Fort. Napabuntong-hininga pa siya. "Cassiopeia, siya nga pala ang pinsan ko, si Ate Elisa. Ang army-surgeon na kinu-kwento nila Ulan."

Napabuka ang bibig ko sa sinabi ni Fort. Napatingin naman ako kay Ate Elisa. Siya iyong crush nila Ulan. Ngayon ay gets ko na kung bakit. Ang ganda naman kasi talaga niya. Ang kinis ng mukha niya, naka-clean bun, ang sexy ng katawan mula sa hapit niyang suot na puting shirt pero batak ang muscles sa braso habang nakasuot ng tactical pants at combat shoes.

"Ate Elisa," Tawag naman ni Fort sa pinsan niya. "Si Cassiopeia, girlfriend ko."

Kita ko namang napakagat-labi si Ate Elisa na parang kinikilig. "Gosh, Fort, binata ka na talaga. Iyong baby namin, may baby ng iba. I'm so happy for you. Finally, nagmamahal na ang matigas mong puso."

Tinignan naman ako ni Ate Elisa. "Ikaw ang mainit na kape na sinawsawan ng matigas na puso ni Natoy kaya malambot na ito. Ano pa kaya ang sinasawsawan sa'yo ng matigas na bagay kay Natoy?" Sambit niya sabay ngisi na mapang-asar.

"P-po?" Nagulantang ako sa tanong niya dahil gets ko iyon. Huhu. Sasabihin ko ba na nagpa-pancit kanton na kami ng pinsan niya? Like iyong Batanes Lighthouse ay sumasawsaw sa pink crown ko?

Never Yours Maybe SoonWhere stories live. Discover now