#NYMSChapter12

4.4K 144 53
                                    

"Welcome to Atawi Lodge." Pagbati ko sa mga bakasyunistang dumarating sa aming lodge.

Linagay nila akong receptionist dahil maganda raw ako at para mas maka-attract pa ako ng mga customers na mag-i-stay sa aming lodge. Ang laki rin daw ng tulong ko lalo na kapag foreign guests ang mayroon kami para mas madali daw ang communication kapag ako ang kausap. Hindi ko lang maamin sa kanila na foreigner din ako na nagpapanggap na conyong Pinay. 

Actually, hindi naman mahirap ang trabaho dahil lahat kami nagtutulungan. Noong una ay feel ko ang awkwardness nila sa akin pero I make sure na approachable ako. Tinutulungan pa nila ako noong una kasi nga prinsesa akong walang alam sa buhay. Pero ang exciting pala ng ganito, iyong pagta-trabaho ay nakakadagdag sa self growth mo dahil every day ka na may natututunan.

Mas nakikita ko ang worth ko ngayon kaysa sa palasyo. Nagdadalaga ako noon na ang nasa utak ko lang ay dapat maayos akong babae para sa lalakeng nakatakdang ipakasal sa akin. Na ang magiging buhay ko ay asawa at ina lang ng mga anak ko. Pero may higit pa pala akong kayang gawin sa buhay, may kaya pang gawin ang mga babae higit sa pagiging maybahay o ina.

Ibang-iba na talaga si Cassiopeia sa palasyo noon kay Siopeia sa Batanes ngayon. Malayo pa ang tatahakin ko pero malayo na rin ako.

"We also offer tour packages," Patuloy ko pang pag-offer sa customers na magche-check in today. "You may personalize the package naman based on the places you wish to visit---" Napahinto ako sa sinasabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanila. "Sorry, what are your pronouns ba? So I can address your properly."

Mag-bff kasi sila na nagbabakasyon ngayon sa Batanes. Obvious naman na member sila ng LGBTQ+ family pero hindi ko alam kung ma'am or sir ang itatawag ko sa kanila. Iyong isa kasi, trans woman siya at iyong isa ay gay. Best practice pa rin na alamin natin ang pronouns nila. Masyado ng cruel ang mundong ito para ipagkait natin sa kanila ang tamang pagtawag sa kanila ng ma'am o sir. 

Napangiti naman sila sa akin. Unang sumagot iyong gay. "Honestly, kahit ano ako. They, them, o theirs. Kahit ma'am o sir ang itawag mo sa akin, keribels lang."

"Ako naman she, her, hers." Sagot naman n'ong trans woman. "Marami pa akong iinuming diane pills para maging kasing ganda mo ate pero papunta na rin ako sa babaihan. Ang barbie doll mo naman kasi."

Natawa naman ako sa kanya. "Thank you mga ma'ams. Maganda rin kayo, 'no. We are all unique and special in our own way. No matter who you are, where you come from, or what you believe, every life has purpose and value. Everyone's journey is unique and should be celebrated. Despite our differences, there is one thing we all have in common: We are all beautiful. So, let's celebrate our diversity, embrace our uniqueness, and remind each other that we are all beautiful."

"... and I am confidently beautiful with a heart. And I thank you! Pia Wurtzbach!" Dugtong naman ni bakla kaya nagtawanan kami.

Ini-abot ko naman sa kanila ang susi sa room nila. "Enjoy your vacation, sisters. If you need anything else, just approach me here."

Binigyan pa nila ako ng flying kiss bago umalis. "Thank you, kumare."

Ilang linggo pa lang ako nagta-trabaho rito pero iba't ibang klase na ng mga bisita ang mga nakasalamuha ko. May pamilya, may mag-jowa, may mag-asawa, may magkaibigan, may mga magka-trabaho, at may solo traveler. May kanya-kanya silang purpose sa pagta-travel, ang mahalaga ay dala-dala nila ang memories na nakuha nila sa Batanes.

Hindi naman laging marami ang turista sa Batanes dahil pine-preserve nila ang ganda ng Batanes. Kaya bilang lang ang pwedeng pumunta rito sa Batanes, bukod na rin sa medyo pricey ang magbakasyon dito.

Kaya kapag walang bagong bisita ang Atawi Lodge ay nagwawalis ako sa receiving area o 'di kaya ay sumasagot ako ng tawag, text or emails na nag-iinquire sa aming lodge rates. 

Never Yours Maybe SoonWhere stories live. Discover now