Sabi ng Iba masaya daw maging Sikat. Kasi maraming tao ang humahanga sayo pero paano kung ang kasikatan mong iyon ang makapagpahamak sa buhay ng Pamilya mo?? Itutuloy mo pa rin ba ang maging sikat?? Hindi sikat bilang artista,dancer,singer kundi kasikatan bilang isang GANGSTER. Oo Gangster, sikat ako sa mundo ng mga Gangster bilang Leader ng isang Gang. Hindi madali para sa akin ang maging Leader ng Gang nung Una. Kasi ang Bata ko pa para maging isang Leader kaya ginawa ko lahat ang aking makakaya upang maging isang mabuti at kagalang-galang na Leader. Pero Isang araw, nakita ko na lang ang sarili kong umalis at tumalikod sa mga ka Gang ko na tinuring ko nang Kaibigan,Kapatid at kapamilya. Dahil lang sa isang pangyayari, namatay ang Isa sa mga Pinaka-importanteng tao sa buhay ko ang BESTFRIEND ko. Ang Best friend kong kasama ko na simula pagkabata hanggang sa paglaki ko. Nabaon ako sa sakit at galit, pero may mga Taong tumulong sa akin upang makaahon sa Sakit.