Naranasan niyo na ba yung lagi mo siyang tinitingnan sa malayo dahil hindi mo kayang lapitan siya? yung feeling na gustong gusto mo siyang kausapin pero kinakain ka ng hiya at kaba kapag andiyan na siya. Kaya hanggang tingin ka nalang. Kahit masakit na makita siyang may kasamang iba na nagpapangiti sakanya. Ang hindi mo alam ay parehas lang pala kayo ng nararamdaman sa isa't isa. Kung kailan ka na nagkaroon ng lakas ng loob para umamin sakanya ay bigla nalang may dadating na hadlang sa inyong dalawa. Hanggang tingin ka na nga lang ba? o Ipaglalaban mo?