Sa kabila ng misteryosong pagkamatay ng ama ni Meteor Obañez, napilitan silang lumayo ng kaniyang ina sa probinsiya ng Laguna dala-dala ang mga tanong sa nangyari. Ngunit sa kagustuhan niyang malaman ang katotohanan, nagdesisyon siyang bumalik makalipas ang isang taon, bagaman tinutulan iyon ng kaniyang ina. Sa pagbabalik ni Meteor, sa isang hindi inaasahang pagkakataon magtatagpo ang landas nila ng misteryosong si Luke. Bukod sa gwapo at matipuno nitong katawan, alam ni Meteor na may kakaiba sa katauhan nito na gusto niyang malaman. May nararamdaman siyang connection sa binata at ganoon din ito sa kaniya. Sa pananatili ni Meteor sa lugar, namalayan na lang niyang napapalapit na siya kay Luke kasunod ang utay-utay na pagtuklas niya sa totoong nangyari sa kaniyang ama. Ngunit paano kung ang katotohanan na nalaman niya ay konektado sa binata? Mag-iiba ba o mananatili ang pagtingin niya rito?
27 parts