Nag iisang anak si Monica kung kaya't nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siyang matalino, masipag at mataas ang tingin sa sarili. Kinaiingitan siya ng lahat dahil sa perpektong pamilyang mayroon siya. Maayos at matiwasay ang kanyang buhay ngunit bigla nalang itong niyanig ni Qing. Ang binatang parte ng kanyang nakaraan. Siya ang kilalang bad boy sa kanilang bayan na anak ng isang tanyag na politiko. Simula noong nagkita silang muli ay hindi na siya tinantanan ng binata na angkinin ang kanyang puso. Papano kapag isang araw kakahanap mo sa perpektong tao para sayo ay hindi mo namalayang nasa tabi mo lang pala siya? Paano kung tsaka mo lang napagtantong mahal mo pala ang taong binalewala mo lang noon gayung may kapiling na siyang iba? Alam mong hindi mo na maibabalik ang oras pero huli na ba ang lahat para kay Monica?