"I'm not beautiful" yan ang sabi ng mga taong narito sa amin. Ang probinsya na ang aking kinalakihan. Namulat ako sa mundo na bukid at kalabaw ang aking nakikita, nag graduate ako sa college na apat lang ang aking kasamang kaklase, nagpunta ako ng maynila na ang dala ay papeles, dalawang luma at pangmanang na damit na nailagay ko sa basket na gawa sa banig at higit sa lahat ay trese pesos na lamang ang sukli ng dumaong sa maynila. Naghirap uli, naghanap ng trabaho pero paghindi ako nakukuha palaging may kasunod na " ang pangit niya" hinahayaan ko na lamang dahil hindi nila alam na may itinatago kaya ako. Hanggang sa may nakasalubong ako nong nagbenta ako ng mangga malapit sa isang building. Hindi ko inaasahan ang sinabi nito. "I like your vermillion lips" ano daw?