Akala ko pag nandoon ako sa tabi nya magiging okay ang lahat dahil yun ang sabi nya,akala ko mababago ko ang pananaw nya dahil nandon ako eh ako yung kasama nya pero bakit parang naging kasalanan kong minahal ko sya? Kasalanan ko bang iniwan sya dahil mayroong ibang mahal ang babaeng pangarap nya? Kasalanan bang sumugal sa taong alam kong walang pag-asa ngunit sinubukan ko parin? Oo,siguro nga mali. Mali ang lahat alam ko ngunit pinagpatuloy ko sapagkat masaya at masarap sa pakiramdam ngunit ang lahat ng iyon ay panandalian lamang,panandalian. Sapagkat para sa kanya MALI ang lahat. (Betrayed series #1)