2.

0 0 0
                                    

"Hindi ahh matagal ng ganoon ang type ko" nahihiyang sabi nya habang pasulyap sulyap pa kay Lia na para bang nahihiya sa sinabi.

"Ay ganon akala ko ang mga type mo is smart girl with a touch of medyo bitchy haha" alam kong pinapagaan na lang ni Gem ang pakiramdam ko sa pamamagitan ng pag dedescribe sa ugali ko.

"Huh? Saan mo naman nakuha yun HAHAHAHA isipin ko palang na ka ugali ni Luna yung magiging jowa ko HAHAHAHA" alam nya kung anong ugali ko dahil kung meron man akong pinapakitaan ng mga ugali ko ay sya yun.

"Bakit sinabi ko bang si Luna ang type mo? Hindi. Tsaka bakit kung katulad man ni Luna ang magiging girlfriend mo swerte ka na." sabi ni Gemina habang umiirap.

Nagpaalam narin sakin sila Gemina tsaka si Violet dahil papasok na ulit sila.

Lumipas ang isang buong araw sa school na para bang wala akong naintindihan sa mga tinuro sa amin ngayun kaya dismayadong dismayado ako dahil ngayon lang ako na distract sa pag-aaral.

"Luna!! Sabay tayo umuwi wala ka namang sundo diba? Diba?" nangungulit na tanong ni Fuego.

"Ngayon lapit lapit ka samatalang kanina ni hindi mo ako napapansin tss." bulong ko tama lang na mailabas ng bibig ko ang gusto kong sabihin at tama lang na di nya marinig.

"Ano? May sinasabi ka ba?" inosenteng tanong nya habang inaabangan pa din ang isasagot ko sa tanong nya.

"Sabi ko oo sabay tayo dahil wala akong sundo" ngumiti naman sya sa akin.

"Yehey! Tara sisig tayo doon sa Trops" exited na sabi nya.

"Ahmm... Kailangan ko na umuwi ng maaga ehh....sorry" lies. Ayaw ko lang talaga muna tumagal ng kasama sya.

"Sure ka??.... Okay sige,next time nalang ok?" nakangiting sabi nya na tila ba kinukumbinsi ako.

Sabay kami nag lakad papuntang palengke,doon kami dumaan sa medyo mas malayong way dahil ayaw nyang dumadaan kami sa may banana island.

"Luna,uuna na ako ha may pupuntahan pa ako sa may lianas ehh sakay kana dyan ng jeep deretso na naman yun diba?" hindi na naman sya sasabay.

"Anong gagawin mo sa lianas ha tss.....mag lalaro ka sa dodolon no nayy" asar ko sa kanya pero napansin ko na medyo namula yung tainga nya kaya nalaman kong totoo ang hinala ko.

"Saglit lang naman eh may gagawin lang ako.Sige na sumakay kana dyan. Bye" nahihiyang sabi nya tapos tuloy tuloy na naglakad paalis.

Nandito ako ngayon sa may likod ng claw machine. Bakit? Kasi po natalo na naman ng puso si utak,wala naman talaga akong balak na sundan sya ehh. Nagtataka lang ako kasi di naman sya mahilig sa mga laro sa arcade kaya how come gusto nyang pumunta dito at naglalaro pa sya ng claw machine ha.

Pinapanood ko lang sya habang hirap na hirap kuhanin yung medyo malaking teddy bear sa claw machine. Dumistansya lang ako nang onti kasi baka mahuli nya kong sinusundan sya noh. Ilang try nya pa bago nakuha yung teddy bear at nagtatalon sya sa tuwa nung mahawakan nya na.

"Yes!! Maganda toh pangregalo sabi nya gusto nya nang ganto. Yesss!!" tuwang tuwang sabi nya habang paalis na.

Regalo?? Kanino?? Sinong pag reregaluhan nya??

"Fuego,gusto ko non" turo ko sa isang claw machine na sobrang daming teddy bear na hindi ganon kalaki.

Tinignan nya ako ng may pagtataka.

"Ano namang gagawin mo dyan? Tss.....ilang taon kana ba ha? Tama ba sa 14 years old ang nang hihingi pa nang teddy bear" inis na sabi nya at nagpatuloy sa paglalaro nung.....ewan basta yung laro sa arcade na para kang sasakay sa kotse at mag reracing.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Taste Of My Own MistakeWhere stories live. Discover now