Paano mo nga ba malalaman kung pag mamahal na ba 'yon o pag hanga lang? Paano mo masasabi na iyon na nga ang taong para sayo? Paano nga ba? Kasi sa mundong ito lagi namang walang kasiguraduhan..... hindi rin tayo pwedeng bumase sa tagal ng pinag samahan. Kasi wala namang permanente kaya paano mo nasabing hindi ka nyan iiwanan? The life full of what if's and how if's Paano kung lumaban pa tayo? Paano kung kahit kaunti nag tiis pa ako? Paano kung tayo pala? Pero hanggang paano na lang ba? Mag sisimula sa unang katanungan tapos hanggang sa dumami na lang kasi hindi mo nasasagot? Ang hirap din kasing mag mahal, na yung minsan mo na nga lang maranasan tapos grabe pa yung sakit Pero sabi nga nila.... kakambal ng sakit ang pag mamahal, hindi ka makakaramdam ng sakit kung hindi ka nag mamahal.... Pero paano kung puro sakit na lang? Tama bang lumaban pa? O dapat isuko na? Ang hirap diba? Ang hirap bumitaw sa taong pinanghahawakan mo.... Kasi puro what if's.... puro PAANO?