Walang ano si Marijo. Malungkot lang siya. Ilang araw na siyang walang ligo. Buong araw na naka-upo sa kama. Nagigising sa gitna ng gabi. Nawawalang ganang mag-aral. Pero wala siyang ano. Malungkot lang talaga siya. Kaya sa gabing iyon, pampalipas oras lang talaga ang kinailangan niya. Pero paanong pampalipas oras? E nakilala niya ang iyaking drama queen na kaka-break lang sa jowa. Kaya sa gabing iyon, naging tagapayo si Marijo. Naging kaibigan. Bad B on the internet, walang big deal. Nagpuyat siya. At imbes na pinasalamatan siya sa advice, tinawag pa siyang hatdog.