Walang pirmanenteng kapayapaan ang bawat kaharian ng siyam na nasyon, kaya naman madalas na nagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga ito. At sa bawat pagkakataong nagaganap ito ay madaming dugo ang nabubuhos at napapahamak na mga inosenteng mamamayan. Isang hindi kilalang malakas at matalinong mandirigma ang namumuhay bilang isang simpleng mamamayan, na sikretong umaagapay sa pagtatanggol ng kahariang Argona ang nagkaroon ng misyong tuklasin kung ano ang kakaibang misteryo na nasa likod ng bawat kaguluhang ito, at naglalayong magkaroon ng kapayapaan sa buong nasyon. Subalit tila ito'y gaya ng malalaking batong nakaharang sa kanya na nagsisilbing hamon sa bawat niyang mga hakbangin, sapagkat madaming mga bagay ang nararapat niyang lagpasan upang maisagawa ang lahat ng kanyang mga layunin. Mapapagtagumpayan kaya niya ang lahat ng ito? o mauuwi lang ang lahat sa kanyang pagka-sawi?
4 parts