Si Gail ay isang babaeng tahimik,ayaw kumausap at parang takot na takot sa mga tao.Hindi mahilig lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan kaya palaging nasa bahay lamang.Ngunit dumating ang araw na nagbago ang mga kinahihiligan niya,bumaliktad ang mga ayaw niyang gawin sa gusto na niyang gawin dahil sa isang lalaki.Kaya niya bang harapin ang mga balakid sa buhay niya kasama iyon?At sa oras na dumating ang bagyo sa buhay nila ay kakayanin kaya nila ng magkasama?