Masaya at kontento akong namumuhay sa mundo kahit nagkandakuba na para mabuhay. Pero siyempre hindi pa rin nabawasan ang ganda at kaseksihan. Huwag ng kumontra o mangbash sa akin or else hindi ko na itutuloy ang pagkwekwento. Haha! Di joke lang. Ayun na nga, subalit biglang dumating ang isang lalaki sa buhay ko! Ang masaklap pa, tinawag at pinagkamalan ako na ibang babae na maski ako hindi ko alam kung sino ang lalaking ito at sino ang babaeng inakala niya sa sarili ko. Magulo ba? Haayys, pareho tayo. Naguguluhan rin ako at hindi ko naintindihan. Siguro masyado tayong maganda para umintindi sa problema nila! Tsk. Hindi ko man inaasahan na dumating siya sa buhay ko, ganoon rin nang biglang nagbago rin ang buhay ko dahil sa kanya! *** Date Started: February 12, 2021 Date Finished: --- Genre: Teen Fiction Language: Filipino ©All Rights Reserved 2021