WARNING: Masyadong sexual ang content at may mga violent and gruesome scenes din. If hindi mo feel mga ganitong kwento, wag nang basahin. SAKA BAWAL NA BAWAL SA MINORS. ------------------------------- Si Demi, isang babaeng laging nabu-bully ng klase dahil bibihira lang siyang magsalita. Sanay na siya na laging puntirya ng mga lalaki sa school dahil nababansagan na siyang weird simula ng Highschool. Nagsimula ang kakaibang pangyayari nang nasa ikatlong taon na siya ng Kolehiyo. Lagi nyang nakikita ang sarili sa panaginip kasama ang mga lalaking kumukutya sa kanya. Nakikita nyang nakikipagtalik siya sa mga ito sa panaginip. Ang ikinabahala nya ay ang mga pangyayari pagkatapos ng mga panaginip na iyon. Lahat ng lalaking nakakatalik nya sa panaginip ay laging nasasangkot sa mga malalagim na aksidente. Hindi nya alam kung may koneksiyon ang mga iyon sa panaginip nya. Ang ipinagtataka pa nya ay bakit pakiramdam nya ay ibang tao ang nakikita nya sa panaginip kahit kamukhang-kamukha nya ito? At lagi nyang nakikita ang hugis buntot na balat nito sa dibdib gayong wala naman siyang balat na ganun. Ipagkikibit-balikat nya na lang sana ang mga iyon tutal hindi nya naman gusto din ang mga lalaking nakikita nya sa panaginip na lagi na ay nauuwi sa malagim na trahedya. Pero paano kung isang araw ay ang lalaking gustong-gusto nya ang makita sa panaginip? Hahayaan ba nyang may mangyaring masama dito?
6 parts