"Noong nasa London ako hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko, kung nasabi ko ba sa kanyang mahal ko siya mamahalin din kaya niya ako? Kung ipinaglaban ko ba ang nararamdaman ko para sa kanya mag-isa pa din kaya akong nalulungkot doon? Kung may gagawin ba ako para mahalin niya ako magkakaroon kaya kami ng happy ending? Doon ko na-realize na ayoko palang magkaroon ng regrets in the future. Paano na lang kung magka-asawa siya ng hindi ko nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko eh di habang buhay kong pagsisisihan iyon. Kaya naman nag-ipon ako ng lakas ng loob at kapal ng mukha para pag balik ko ng Pilipinas ay magawa ko na siyang maligawan para naman malaman ko na kung may patutunguhan ba itong ilusyon ko o wala." -Rhylea-