31

351 8 0
                                    

Pagkatapos nilang kumain at iniligpit niya ang pinagkainan nila habang nasa sala ang kanyang mag-ama at tila kinikilala ang isa't isa. Tahimik siyang naghuhugas ng mga pinagkainan nila habang nakikinig sa usapan ng mga ito.

"Daddy when is your birthday?" Narinig niyang tanong ng anak sa ama nito.

"3rd of April baby. How about yours?"

"25th of July daddy. Mom said I was so heavy when I came out. I weighed 9 pounds!" Pagbibida pa nito sa ama.

Sa gilid ng mata niya nakita niyang tiningnan siya ni Rohan na tila ba pinag-aaralan siya nito. Ngunit ng nilingon niya ito ay mabilis itong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Do you know daddy that you look familiar when I saw you yesterday? Now I remember why you look so familiar. You have a picture in mom's room in London."

Nanlalaki ang mata niya sa pambubuko ng anak niya sa kanya. Tumaas pa ang kilay ni Rohan na tila naaamuse ito sa kaalamang nagdisplay pa siya ng picture nito sa kwarto niya. Namumula ang mukhang itinuon niya ang pansin sa ginagawa at nagpatay malisya na lang siya.

"Really baby? What kind of picture do I have in you mom's room?" usisa pa nito sa anak.

"Its your picture together with mom. I even thought you are a bad guy daddy since I always see mom crying while hugging your picture. Why do you think mom always cry while hugging your picture dad?" Inosenteng tanong ng anak niya.

Tila gusto na niyang lumubog sa kahihiyan. Hindi niya alam na nakikita pala siya ng anak niya kapag umiiyak siya sa sobrang pangungulila rito. Hindi naman kasi ito nag-usisa sa kanya kahit minsan pero ngayon nilalaglag siya nito sa sariling nitong ama. Naku kung hindi niya lang mahal ang anak niya napalo na talaga niya ito.

"Maybe your mom misses me baby that is why she cried while holding my picture," narinig niyang paliwanag nito sa anak.

Naku naman anak dapat hindi mo na sinabi sa ama mo ang nkita mo at lalong lalaki ang ulo niyan. Gusto niyang sabihin iyon sa anak pero hindi niya magawa. Total wala na naman siyang itatago rito at alam na nitong patay na patay siya rito. Pero nakakahiya pa rin talaga.

Nagkibit balikat ang anak nila. "Okay I understand mom now. I also cry when I miss mom. Good thing you are with us now daddy so mom won't cry anymore."

"Do you know how to speak tagalong baby?" Pag-iiba ng usapan ng ni Rohan.

Nagpout ang anak nila. "No daddy. Mom tried to teach me speaking tegelog but it is so hard. I can't even understand tegelog and its so frustrating when mom and Granny talk tegelog."

Natawa si Rohan sa inasal ng anak. Nanggigigil na niyakap nito ang anak. "It's okay baby. You will learn tagalog since you are going to stay here in the Philippines from now on."

Doon siya napatingin kang Rohan. Kailan pa ito nagdesisyon na dito na magstay ang anak nila? "Rohan Nazrene can't stay here. Spring break lang nila at kailangan pa niyang bumalik ng London para sa pag-aaral niya," protesta niya.

Binigyan siya ng masamang tingin nito. "Hindi na kayo babalik sa London Lei. Lalo na ang anak ko. Kung ang pag-aaral niya ang ikinababahala mo huwag kang mag-aalala at ipapaasikaso ko sa secretary ko ang transfer niya sa isa sa magandang school ditto sa Pilipinas."

"Pero-" protesta pa sana niya pero pinutol na nito ang pagsasalita niya.

"There will be no buts Lei. Ditto na kayo mamamalagi ng anak ko. Hinding-hindi na ako makakapayag na malayo pa sa akin ang anak ko." Pinal na sabi nito.

Hindi na lang siya umimik at ayaw niya na magtalo uli sila nito sa harap ng anak niya. Naiinis man na nagdesisyon ito na hindi siya kinukunsulta muna at tumahimik na lang siya. Kailangan na talaga nilang mag-usap nito para maisaayos na ang lahat.

Taking Chances on LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon