Amara Eliza started to hate unlabeled relationships, hindi na niya maisip pa na pumasok ulit sa ganoong klase ng relasyon. "Never again," ika nga. Sa edad ba naman na 28, wala ni isa ang nagtangka na maging official boyfriend niya. Walang nagkaroon ng lakas ng loob na seryosohin siya. All of her relationship started with "something", at siyempre, nagtapos without proper commitment. Para bang lahat sila ay dumaan lang sa buhay niya para magbigay ng panandaliang kilig. Hindi naman siya sumuko sa pagmamahal, gusto niya lang sanang maka-experience ng proper commitment. Yung matatawag niyang seryoso, yung pwede niyang ipakilala sa kahit kanino. Pagod na kasi siya sa masaya lang, kaya ngayon, she think that MUs are MU. photo taken: Google