Si Kheara Smith ay isang babaeng ulila. Ulila sa pagmamahal ng isang magulang. Naging isa siyang barumbado ngunit nagpapanggap siyang mapag-isa sa harap ng madaming tao. Naging manhid siya sa lahat ng bagay at tanging ang dalawang kaibigan niya lang ang tinutuunan niya ng pansin. Sa pagtungtong niya ng 4th year high school, ano kaya ang mababago sa pagkatao niya? Matututo na ba siyang makihalubilo sa iba? Matututo na ba siyang lumaban sa mga taong nang-aapi sakanya? Pero paano kung sa mga oras na 'yon ay makikilala niya rin ang lalaking magiging dahilan ng paghuhuramentado ng buong sistema niya, mababago ba nito ang buhay niya? Samahan natin si Kheara at alamin natin kung paano niya malalagpasan lahat ng mga problemang dadating sakanya, kung paano niya titiisin lahat ng sakit na mararamdaman niya at kung paano niya magagawang maging matatag pagkatapos niyang magdusa.
58 parts