Hindi akalain ni Yashita na ang madilim niyang mundo ay mas may ididilim pa pala. Isa lamang siyang hamak na babae na may mataas na pangarap, na masipag na panganay para sa maliit na kapatid. Naging magulo lalo ang buhay ni Yashita nang bigla siyang napasok sa isang misyon, isang misyon na hindi niya alam kung paano sisimulan at tatapusin. Dahil sa misyon na ito ay mas lalo siyang nahirapan na magsimula at magbagong buhay. Kailangan niyang akitin ang isang lalaki na walang puso, na hindi marunong makiramdam. Walang iba kundi si Leviathan. Magtatagumpay kaya si Yashita sa Misyon? Bibigay ba ang isang Leviathan na kilalang walang puso sa isang Yashita? Sa kanilang dalawa... Sino ang mananalo?